Boses ni LT nabinyagan noon sa show ni Kuya Germs
Nakiramay na rin si Lorna Tolentino sa mga naulila ni Kuya Germs noong Biyernes.
Memorable kay LT ang mga guesting niya sa mga programa ni Kuya Germs na supportive sa mga pelikula niya at ni Rudy Fernandez.
Unforgettable kay LT ang kanyang appearance noon sa television show ni Kuya Germs dahil dito niya unang naranasan na kumanta ng live.
Veteran stars ng Sampaguita Pictures dadagsa mamayang gabi sa burol
Lalong dumarami ang mga nagpupunta sa Our Lady of Mt. Carmel Shrine para magbigay-pugay kay Kuya Germs.
Hindi nawawala ang pila ng fans na nanggaling pa mula sa malalayong lugar para makita sa huling pagkakataon si Kuya Germs at siyempre, ang kanilang favorite stars na nakikiramay.
Mga veteran star ng Sampaguita Pictures ang makikita ngayong gabi sa burol ni Kuya Germs dahil sa pamisa ng Vera Perez family.
Mag-asawang Bongbong at Liza inalala ang mga padalang artista ni Kuya Germs
Napag-usapan si Kuya Germs nang humarap kahapon sa entertainment press si Senator Bongbong Marcos na kumakandidatong bise-presidente.
Family friend si Kuya Germs ng Marcoses kaya kilalang-kilala siya ni Papa Bongbong.
Natatandaan ng dating presidential son na si Kuya Germs ang madalas na host sa mga event noon sa Malacañang Palace.
Hindi rin nalilimutan ni Papa Bongbong at ng kanyang misis na si Liza ang tulong at suporta ni Kuya Germs sa mga kandidatura niya noon.
Ang sey ni Mama Liza, bigla na lang may mga dumarating na artista sa kampanya ni Papa Bongbong, mga artista na ipinadala ni Kuya Germs.
Hindi na raw nila kailangan na tawagan sa telepono si Kuya Germs dahil ito mismo ang nag-aalok ng tulong.
“He’s such a good man. Marami siyang natutulungan,” ang sabi ni Papa Bongbong na isa sa mga nalulungkot at nanghihinayang sa pagkawala ni Kuya Germs.
Cristina malaki ang tsansa sa Tacloban
Kasama nina Papa Bongbong at Mama Liza na humarap sa entertainment press si Cristina Gonzales-Romualdez, ang asawa ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na first cousin ni Papa Bongbong.
Last term na ni Papa Alfred bilang alkalde ng Tacloban City at si Mama Cristina ang papalit sa kanya.
Pahinga muna sa public service si Papa Alfred dahil tutulungan niya sa pangangampanya ang kanyang misis.
Si Papa Bongbong ang nagsabi sa showbiz press na walang kalaban na malakas si Mama Cristina kaya malaki ang tsansa nito na maging next mayor ng Tacloban City.
Kumpare at kumare sa kasal
Magiging kumpare ko si Papa Bongbong sa nalalapit na church wedding nina MJ Marfori at Oscar Oida sa January 30.
Mga ninong at ninang kami ni Papa Bongbong sa pag-iisang dibdib nina MJ at Oscar. Kinumpirma kahapon ng personal secretary ni Papa Bongbong na dadalo ito sa kasal nina MJ at Oscar sa San Agustin Church. Ninang din si Mama Cristina dahil pamangkin nina Papa Alfred at Papa Bongbong ang bride na napakasipag na showbiz reporter ng TV5.
- Latest