‘Di hamak na mas pogi raw kay PNoy Pia nakipagpalitan ng I love you sa Hollywood actor na si James Franco! Nora nagmaldita sa lamay ni Kuya Germs?!
PIK: Malaking challenge sa tambalang Miguel Tanfelix at Bianca Umali itong afternoon drama nila sa GMA 7 na Wish I May dahil ang papalitan nila ay ang long-time running drama series na The Half Sisters na umabot ng halos dalawang taon.
Napatunayan naman ang lakas ng tambalang BiGuel kaya very positive ang GMA 7 na maabot nila ang success ng magtatapos nang The Half Sisters.
May bentahe rin na ang title nila ay ang hit na hit na awiting Wish I May ni Alden Richards. Kaya excited ang dalawang bagets sa bagong serye nila.
Posibleng dito na nga magkadebelopan ang dalawa? “Not yet the right time pa po. Hindi po papayag ang lola ni Bianca na mag-boyfriend siya,” mabilis na sagot ni Miguel.
Basta iba raw ang closeness nilang dalawa. Sa katunayan, magkasama pa silang dalawang sumalubong ng Bagong Taon sa may Pagudpud at nag-Vigan pa sila kasama ang kanilang mga pamilya.
Sa January 18 na magsisimula ang Wish I May pagkatapos ng Eat Bulaga.
PAK: Nagulat si Kuya Ricky Lo sa Superstar Nora Aunor nang biglang tumayo ito sa kinauupuan niya nang gusto na sana siyang interbyuhin para sa CelebriTV.
Nasa burol ni Kuya Germs ang aktres ng Little Nanay at pinakiusapan itong kapanayamin siya ni Kuya Ricky para sa CelebriTV.
Pero dumaan ito sa puwesto ng CelebriTV kaya pinakiusapan uli kung okay lang na umupo siya para sa isang maikling interview. Umupo naman ang Superstar, pero nang umilaw na at pumuwesto na ang cameraman, bigla siyang tumayo. Maninigarilyo lang daw siya sandali sa labas kaya hindi ito napigilan nang tumayo at lumabas. Ang sabi niya, hindi raw siya nakaayos kaya parang naalangan daw siyang magpa-interview. Hinayaan muna siyang manigarilyo sa labas, pero ilang sandali lang biglang nawala na si Nora Aunor.
Inintindi na lang ni Kuya Ricky na maaring hindi pa siya handang magsalita tungkol sa pagpanaw ni Kuya Germs kagaya ng senatoriable na si Isko Moreno na laging umiiyak, kaya umiiwas itong magpa-interview dahil hindi raw siya makapagsalita ng maayos.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw niya matanggap ang pagkawala ni Kuya Germs.
BOOM: Maraming fans ng Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kinilig sa ipinost ng Hollywood actor James Franco na I love (heart) the Philippines!!! Heart to @missuniverse!!!”
Ni-repost naman ito ni Pia at sinagot ng “I LOVE YOU MORE!!! @jamesfrancotv.”
Ang daming nag-react na mga followers at type na type nila ang post na iyun ni James Franco.
May ilang mahadera pang mas type naman daw nila ang guwapong Hollywood actor kesa kay P-Noy.
Isa ito sa kilig-kiligang isyung itatanong natin kay Pia sa pagdating niya rito sa bansa sa January 23.
- Latest