^

PSN Showbiz

Date at venue ibinuko Pauleen naggalaiti sa ginawang ‘pangingialam’ sa kasal nila ni Vic

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sabi na nga ba at hindi magugustuhan ni Pauleen Luna ang pagre-report ng TV Patrol sa petsa at venue ng kasal nila ni Vic Sotto. Nag-react si Pauleen via Facebook at kanya-kanya ng reaction ang mga nakabasa.

Sabi ni Pauleen: “Dear ABS-CBN, Thank you SO much for revealing all the details about our wedding. Thank you SO much for mentioning even the date and the venue. Thank you because now we’re finally going to achieve the exclusivity that we want! And last but not the least, thank you SO much for asking us if it’s okay to report about it.”

Sikat na male celeb nagkalat ang bodyguards sa bahay ng bagong GF

May bago raw girlfriend ang isang sikat na male celebrity at mukhang hindi niya ito itinatago dahil nakikita ng kapitbahay ng girlash ‘pag dumadalaw siya sa bahay nito.

Nalalaman ng mga kapitbahay kapag nasa bahay ng babae ang celebrity dahil sa magara nitong sasak­yan na naka-park sa labas ng bahay.

Sikat na celebrity ang tinutukoy namin at lumalakad ito at dumadalaw sa bagong GF na may kasamang bodyguards.

Hindi iniiwan ng kanyang bodyguards ang celebrity ‘pag dumadalaw ito sa bagong nobya.

Ang bagong GF yata ang rason kung bakit hindi na pinursige ng celebrity na balikan ang aktres na nakarelasyon niya.

Sabagay, on and off ang relasyon ng dalawa, walang katiyakan, at least sa bagong GF, baka tuluyan nang talikuran ng celebrity ang pagkabinata at mag-asawa na finally.

Aiza at Liza hindi nagpadaig sa bashers, nag-celebrate ng first anniversary

Tahimik, pero masayang ipinagdiwang nina Aiza Se­guerra at Liza Diño-Seguerra ang first wedding anniversary nila kahapon.

Hindi pumayag ang dalawa na sirain ang saya nila sa pambu-bully ng mga walang magawa at naiinggit lang yata na masaya sila ni Liza.

Nag-react lang si Aiza, tapos ang followers na niya sa Instagram (IG) ang kumuyog sa mga cyber bullies na ginawang ka­bastusan ang plano nina Aiza at Liza na magkaroon ng anak. Natawag tuloy na mga bobo, bastos, a—holes, unggoy ang mayayabang na hindi na nakahirit.

Anyway, handang-han­da na si Aiza at ibang judges ng Born to be a Star sa pagsisimula sa reality si­nging competition at sa pag­ha­hanap sa bago at next si­nging superstar ng TV5 at Viva Communications, Inc., na nasa likod ng Born to be a Star.

Samantala, maganda ang plano nina Aiza, Liza, Ces Quesada, Eula Valdez at mga kaibigang directors na hindi na pinangalanan ni Aiza na magbigay ng free workshop sa mga talent na nag-i-extra sa TV at mo­vies.

Two days ang free workshop na ibibigay ng grupo nina Aiza para lang alam ng talents humarap at maging komportable sa harap ng camera, kung paano ang blocking at every three months nila ito balak gawin at inaayos na kung paano ito gagawin at naghahanap na sila ng venue.

Sampalan nina Cristine at Antoinette, ginawang pakontes

Isa sa mga eksena sa Asawa Ni Marie episode ng Lumayo Ka Nga Sa Akin na pinag-usapan kahit sa trailer pa lang napanood ay ang paulit-ulit na sampalan nina Cristine Reyes at Antoinette Taus.

Nakakatuwa ang eksena at dahil comedy ang treatment, hindi nakaka-stress panoorin.

Ang sampalan scene na ‘yun nina Cristine at Antoinette ay gagamitin ng Viva Films at Hea­ven’s Best Entertainment na promo sa premiere night ng Lumayo Ka Nga Sa Akin sa January 11, sa SM Megamall, bago ang regular showing ng movie sa Jan. 13.

Tinawag nila itong Dubsmash Contest at ang gagawin lang, gumawa ng dubsmash video ng sampalan scene nina Cristine at Antoinette, i-upload sa Instagram o Facebook at i-tag sa @viva_films.

Ang mapipiling three best videos ay mananalo ng five tickets each para sa Red Carpet Premiere Night ng pelikula.

Hanggang ngayong Sabado na lang ang con­test at ang winners ay i-a-announce bukas, Linggo.

Humabol na ang mga hindi pa nakakasali para manalo ng tiket at makasabay ang buong cast ng Lumayo Ka Ng Sa Akin na mapanood ang pelikula.  

Mark tatlong beses nang mapapanood araw-araw

Panalo si Mark Herras sa rami ng shows sa GMA 7 dahil simula January 18, three times a day na siyang mapapanood sa tatlong magkakaibang teleserye.

Unang mapapanood si Mark sa morning series na Dangwa. Monday to Friday din napapanood si Mark bilang si Peter Parker sa Little Nanay at starting Jan. 18 nga, mapapanood din si Mark sa Afternoon Prime na Wish I May bilang nag-alaga kay Bianca Umali katulong si Alessandra de Rossi.

 

ACIRC

AIZA

ALIGN

ANG

HINDI

LEFT

MGA

NBSP

QUOT

SHY

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with