Kuwento ng pananampalataya ng mga deboto ng Nazareno, tampok sa Tapatan ni Tunying
MANILA, Philippines – Tuwing Enero, libu-libong Pilipino ang dumadagsa sa prusisyon ng Itim na Nazareno ng Quiapo para lang mahaplos ang santo at magdasal para sa isang milagro.
Ngunit sa Patrol ng Pilipino mamaya kikilalanin ni Anthony Taberna ang mga deboto ng Nazareno na namamanata para magpasalamat sa mga milagrong natanggap na nila.
Kilalanin ang 72-anyos na si Zony Ramos na ilang beses nang sinubok ang pananampalataya nang ma-diagnose ng cervical cancer at dati’y nabigyan ang buhay ng taning na tatlong buwan ng doktor.
Gaya ni Zony, halos mawalan na rin ng pag-asa si Evelyn Davis nang isilang niya ang isang premature baby na halos wala nang pag-asang mabuhay. Ngunit nakatanggap siya ng himala matapos maglakad nang nakaluhod sa Quiapo Church sa loob ng siyam na araw.
“Nagulat po ‘yung doktor. ‘Anong ginawa mo?’ Sabi ko, ‘Wala po, sabi niyo lumapit ako sa Panginoon kaya ginawa ko. Bakit po anong nangyari?’ ‘Maniwala ka, ang anak mo kumpleto na ang baga,” paglalahad ni Evelyn sa sinabi ng doctor sa kanya.
Subaybayan ang Tapatan Ni Tunying mamayang gabi, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.
- Latest