^

PSN Showbiz

Heart tambak ang mga pinipintahang bag at gown

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bukod sa pagpipinta ng mga bag na Hermes, nagpipinta na rin sa mga gown si Heart Evangelista.

Yup, mga gown na gawa ng dating car racer turned designer, Mark Bumgarner na kahapon ay nagkaroon ng press launching sa Dusit Thani Hotel. In all fairness magaganda ang mga iprinisenta nilang gawa at talaga namang alam mong mamahalin. Para ipakita ang iba pa nilang gawa, magkakaroon sina Heart at Mark ng fashion show sa Dusit.

Ayon kay Heart hindi raw madaling magpinta sa tila dahil naka-depende sa fabric kung magma-match ito sa ginagamit niyang pang-pinta. At mahabang oras daw talaga ang kailangan niyang gugulin para makatapos ng isang gown.

Pinamagatang Mark Bumgarner X Love Marie, gaganapin ang fashion show sa January 18 sa Dusit Thani Manila. Ito ay for the benefit of Thalassemia Association of the Phils and Corridor of Hope.

Anyway, bukod sa nasabing fashion show naghahanda na rin si Heart sa  first wedding anniversary nila ng asawang si Sen. Chiz Escudero na ikinasal sa Balesin Island noong Pebrero 15 ng nakaraang taon.

 “I like being married a lot! I feel very much secured. I feel like I have a solid home. I feel that even there is ‘gulo’ outside your world or whatever you go through like controversies, at the end of the day, you have this home and not everybody gets this solid home. It’s comforting,” sabi niya sa isang interview.

Kamakailan din ay ni-launch ni Heart ang kanyang  This is Me, Love Marie, beauty book na inilathala ng Summit Books. 

Nalalapit na rin ang kanyang exhibit na Oceans Apart  sa Ayala Museum mula Enero 30 hanggang Pebrero 9. 

Grabe ha, sobrang busy niya. Para siyang hindi asawa ng pulitiko na abala sa kampanya.

MMFF 2015 tapos na

Ngayong araw na matatanggal sa mga sinehan ang mga nakasali sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pero tiyak ang mga pinapanood pang sine, matitira at tuloy ang pagpapalabas.

May foreign films na papasok kaya sorry na lang sa mga pelikulang iilan na lang ang nanonood dahil babu na sila sa mga sinehan.

As of January 5, umabot na sa P977 million ang kita ng MMFF. Meaning nalampasan na nila ang kita noong nakaraang taon.

Inaasahan din today na maglalabas ng box office breakdown ang executive committee ng taunang film fiesta para once and for all ay magkalinawan na ang lahat.                                         

vuukle comment

ALIGN

ANG

AS OF JANUARY

AYALA MUSEUM

BALESIN ISLAND

CHIZ ESCUDERO

LEFT

MGA

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with