Pangarap na bumuo ng pamilya nina Aiza at Liza, napakagastos!
Nakakalula talaga ang halaga na magagastos ng mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño para lamang sila magkaroon ng anak. Pero balewala ito kung naiisip nila na pagkatapos lang ng ilang panahon at napakalaking gastos ay magiging kumpleto na silang pamilya. Magkakaroon na sila ng anak na mula sa egg cells ni Aiza at ng isang mapipili nilang male donor na ilalagay sa sinapupunan ni Liza at ipagbubuntis nito ng siyam na buwan. Ito ang tinatawag na IVF o In Vitro Fertilization na sa Amerika isasagawa.
Kaya kailangang manatili sila ng mga dalawang buwan dun, pero ang pagpapatuloy ng pagbubuntis ay pwede nang gawin dito. Kakailanganin ng mag-asawa ng halagang P1.5-M para sa nasabing proseso ng IVF.
Tambalang Eugene at Jose walang nangyari
Sayang naman kung matapos ang kanilang pagbabati sa TV ay magpapatuloy pa rin ang panlalamig nina Eugene Domingo at Jose Manalo sa isa’t isa. Sayang ang tambalan na matagal din bago nabuo at tinanggap ng manonood.
Lately ay hindi pa rin nakikita si Jose sa kanilang programang Celebrity Bluff at miss na siya ng kanilang audience lalo na ang tandem nila ni Uge.
I’m sure bukod kay Jose ay madaragdag pa rin kay Uge ang isyu ng gagawin ng GMA na paglalagay ng bago niyang programa sa slot ng Wowowin ni Willie Revillame.
Sa ngayon ay wala pang reaksyon dito si Willie, pero ang viewers ng Wowowin ay nagsisimula nang mabalisa. Kung mapagbibigyan nga naman ang kahilingan ni Willie na maging daily program ang Wowowin, huwag sa paraang kailangang malipat na naman sila ng oras. Nalilito na ang manonood.
Buy Now… sinayang ng mga manonood
Tama ang sabi ni Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films na huwag dalawang sine lamang ang panoorin sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na magtatapos bukas. Sayang ang iba na hindi mo mapapanood na for all you know ay mas maganda sa napanood mo na dahil ang basehan lamang ng panonood ng marami ay kung sino ang mga artista sa cast.
In fairness, maganda ang Buy Now, Die Later. Magagaling din ang mga artistang tampok (Alex Gonzaga, Vhong Navarro, Lotlot de Leon, Rayver Cruz, Janine Gutierrez). Maganda at malinaw ang kuwento at kapani-paniwala na naiprisinta ng bago at batang direktor.
Puno ang sinehan, but then matagal kong hinanap ang sinehan na nagpapalabas nito dahil wala sa mga regular na sinehan na pinupuntahan ko. I ended up in Gateway na malamig, walang masyadong kalat dahil siguro pwede nang kumain muna sa mga katabing kainan ang mga manonood.
Sana, mas pumik-ap pa ang pelikula bago matapos ang MMFF.
Nico Antonio ibang level ang galing sa aktingan
Ginawa kaya ni JM de Guzman ang indie film na Tandem bago niya nabalikan ang kanyang bisyo? Napakagaling niya sa pelikulang ito na ipinalalabas ang trailer sa pagitan ng pagpapalabas ng Buy Now, Die Later. Sila ni Nico Antonio ang lumabas sa role ng magkapatid na pinili ang buhay ng krimen para makasalba sa mundong ito.
Magaling din si Nico na ibang-iba sa ginagampanan niyang role sa teleseryeng On The Wings of Love na buong tiyagang manliligaw ni Bianca Manalo.
Hindi mo talaga maiisip kung paano niya nagampanan ang role niya sa Tandem na kasing convincing ng sa OTWOL. Galing lang talaga!
Vina hindi sana matulad sa sinapit ni Aiko
Nakakalungkot naman na hindi nag-prosper ang romance ni Aiko Melendez at ng kanyang Spanish boyfriend. Kay Aiko mismo nanggaling na wala na sila. Tsk. Tsk. Tsk.
Sana maging iba naman ang kapalaran ng love story ni Vina Morales and her French boyfriend dahil hindi ba’t kasisimula pa lamang nila, pero mayrooon agad pumiyok sa kanilang relasyon?
But it seems the French guy is not just after an affair but a much longer relationship. Papayag ba si Vina na i-give up ang career niya for love?
- Latest