Angelica at Direk Chris gusto nang magkaroon ng bagong sistema sa paggawa ng pelikula
Nabasa namin ang convo nina director Chris Martinez at Angelica Pangilinan sa IG tungkol sa mainit na isyu ngayon kina director Cathy Garcia-Molina at ‘yung nagreklamong talent na minura raw nito. Walang binanggit na pangalan ang dalawa sa kanilang convo, pero parang ang isyung ‘yun ang tema.
Sabi ni Direk Chris: “Nangangarap ako na darating ang panahon na lahat ng artista, esktra, dobol, stuntman at iba pang humaharap sa camera at ma-professionalize at ma-unionize. Lahat ay may TRAINING. Lahat ay ACCREDITED na may KARAPATAN at higit sa lahat may RESPONSIBILIDAD. Parang SAG. Wala akong kinakampihan. Pero dahil sa nangyari baka ito na ang panahon para baguhin ang bulok na sistema.”
Comment ni Angelica: “Kailangan na tong ayusin direk...Can you imagine na mag-take two kayo, dahil may humihilik na gaffer? May P.A. na nagiging AD. Magiging A.D. sya, kasi magaling syang magmadali ng mga tao. May phone na mag-ring galing sa ibang crew/staff..Wala naman kasing basic training ang lahat..Kahit nga kaming mga artista, kadalasan, walang pake..Kasi, we can get away with it..Tapos ang ending, tayo ang masama ‘pag uminit ang ulo natin? Ay hala..Paano?”
Sagot ni Direk Chris: “Magandang model talaga ang Screen Actors Guild. Sa Accrredited ka ng isang samahan. Pati usapin ng insurance meron. Sa totoo lang, di ko alam kung saan dapat magsimula. Pero dapat willing mag-cooperate lahat mula sa taas hanggang baba.”
Sagot ni Angelica: “Alam naman natin na walang gagawin ang taas. Kung saan makakatipid , du’n ang business. Kung sinong bankable, nandun ang investment. Struggling actors nga yung mga talent eh.. And it also goes, sa mga dop, directors, etc. Dapat yata magkaisa tayo sa next president natin.. Kung sinong tutulong sa rights natin.”
Hindi ba ang ganda ng palitan ng kuru-kuro nina direk Chris at Angelica? Sana nga ay may matutunan ang lahat sa nangyari at magawan ng magandang solusyon.
Samantala, mukhang pangangatawanan ni direk Chris ang ibinalita sa presscon ng Lumayo Ka Nga Sa Akin na baking at cooking ang pinagkaabalahan niya sa nakaraang Kapaskuhan. Nag-enroll siya ng Baking & Pastry sa First Gourmet Academy. Hindi naman siguro nito iiwan ang showbiz ‘pag naging chef na siya.
Anyway, si direk Chris ang director ng Asawa Ni Marie episode ng Lumayo Ka Nga Sa Akin na pinagbibidahan nina Cristine Reyes at Paolo Ballesteros.
Sa January 13, ang showing ng movie na co-produced ng Viva Films at Heaven’s Best Entertainment.
Aiza nakatikim ng panlalait sa planong pag-aanak
Pinost ni Aiza Seguerra sa Instagram (IG) ang kabastusan ng ilang netizens sa nabanggit nito sa presscon ng Born to be a Star kung saan isa siya sa judge, na dadaan ang wife niyang si Liza Diño-Seguerra sa IVF o In Vitro Fertilization para magkaanak na sila.
Ipinaliwanag ni Aiza sa press na sa kanya manggagaling ang egg cells at ipi-freeze ito hanggang makahanap sila ng donor ng sperm cells. Pagsasamahin ang egg cells niya at sperm cells ng donor at ‘pag naging embryo na ay saka ipapasok sa ovary ni Liza.
May netizens na nag-comment ng hindi kagandahan at pinost ‘yun ni Aiza pati pangalan nila. Ang nakaloloka, mali-mali ang intindi ng mga nag-comment sa prosesong pagdaraanan nina Aiza at Liza para magkaanak. Maka-comment lang!
Nabanggit ni Aiza na gusto niyang blue-eyed ang magiging baby nila ni Liza, matangkad at sana ay baby boy dahil may daughter na sila. Mas okay din daw kung twin ang magiging babies nila. Puwede ring Latino ang maging donor ng sperm.
Aalis sina Aiza at Liza sa last week ng October para the whole of November and December ay nasa San Francisco, California sila kung saan gagawin ang proseso. Tiniyak nitong hindi maapektuhan ang Born to be a Star na whole year tatakbo at mapapanood sa TV5 starting February 6 sa direction ni Monti Parungao.
Gaya sa ibang judges, excited na si Aiza sa pagtuklas ng bagong singing sensation at nagpasalamat siya sa Viva at kay Mr. Vic del Rosario sa pagkuha sa kanyang judge.
Kris dumami ang fans nang ‘magkaroon’ ng intellectual disability
Hindi pinalampas ni Kris Bernal ang chance na makapagpa-picture kay Christopher de Leon na guest sa Little Nanay. Kahit namamaga ang mga mata sa kaiiyak sa kinunang eksena, wala itong pakialam at nagpa-picture pa rin kay Boyet at pinost sa IG.
Nakatutuwa na nadagdagan ang fans ni Kris dahil sa Little Nanay at ang comment nila, nagampanan nito nang buong husay ang role ni Tinay na may intellectual disability o ID. Nadidiskubre ring mahusay siyang artista at ang majority sa mga nag-comment, concern sa kanya at pinapayuhan siyang magpataba pa.
- Latest