AlDub fans ayaw maniwalang naungusan na ng pelikula ni Vice ang Bebe Love…
PIK: Dalawang taong kontrata ang ni-renew kay Regine Velasquez ng GMA 7.
Hindi na nga niya in-entertain ang offer ng ibang network dahil mananatili raw siyang Kapuso.
Bukod sa tuloy pa rin siya sa Sarap Diva, ang unang gagawin daw niya ngayong taon ay isang soap pero light comedy at siyempre ay kailangan niyang ayusin ang schedule para may oras siya kay Nate.
May gagawin din daw si Regine na isang comedy musical-variety show. Kaya magiging abala siya ngayong taong ito.
PAK: Tanggap ni Benjie Paras ang girlfriend ngayon ni Kobe Paras na si Gabrielle Current. Nakilala na raw ito ni Benjie noon pa, kaya alam niya ang background ng girl.
Kuwento ni Benjie sa presscon ng pelikula niyang Lumayo Ka Nga sa Akin, magaling daw kumanta si Gabrielle at sinubukan na nga raw nitong magka-career sa ‘Pinas pero nahirapan dahil hindi ito nakapag-Tagalog.
Hindi naman daw nila ipinagbabawal kay Kobe na magkita doon sa Amerika o ituloy ang kanilang relasyon dahil naging inspirasyon ang dalaga sa pag-aaral ng anak niya.
“Ang advice ko sa kanya, if you want to fall in love okay lang. Tapos kung, it doesn’t workout maging matibay ka lang.
“Sabi ko sa kanya, alam mo ‘yung rason bakit nandiyan ka; is to have a good degree and to play basketball and to improve well, and be ready for college. Ipinangako naman niya ‘yun sa amin,” pahayag ng ni Benjie.
BOOM: #AldubComplicated ang hashtag ng AlDub Nation kahapon.
Medyo complicated dahil sa magkaibang report na naglabasan kung ano’ng pelikula ang nangunguna sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Naglabas ng balita ang ABS-CBN 2 na umanong galing sa MMFF organizer na ang pelikulang Beauty and the Bestie na ang nangunguna sa takilya at pumangalawa ang My Bebe Love.
Pero hindi raw totoo ‘yun ayon sa kampo ng My Bebe Love.
Wala pang inilalabas na official box-office results ang MMFF at balitang sa Biyernes pa lang sila maglalabas ng halaga ng mga kinita ng nangungunang apat na pelikula bagama’t ibinalita ng MMFF na umabot na sa halos 900 million ang kinita ng mga pelikulang kasali.
- Latest