^

PSN Showbiz

Pati cell phone ng magiging mister kinaiiritahan Cristine aminadong OA ang pagiging selosa!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa January 27 ay magpapakasal na sina Cristine Reyes at kasintahang si Ali Khatibi. Sobrang pribado ng mangyayaring seremonya sa kasal ng magkasintahan. “Tuloy na tuloy po. Sinadya talaga namin Tito Boy na private lang talaga. It’s just me, Ali, the pastor and the wife of the pastor, and witness, just us. Magkakaroon pa rin kami ng another wedding later on. When everything is settled na. Kasi right now, and daming nasa plate namin ngayon ni Ali, work, Amarah (anak ng magkasintahan), new house, everything ang dami,” pagtatapat ni Cristine.

Aminado ang aktres na madalas niyang pinagseselosan ang mga babaeng lumalapit sa kanyang nobyo. “Hindi ko ide-deny na selosa ako talaga, selosang-selosang-selosa ako. Feeling ko lang meron akong radar, kapag alam kong may type ‘to kay Ali, at sa may hindi, instinct gano’n. Sinasabi ko lang sa kanya (Ali) in passing. Sasabihin naman niya, ‘Wala ‘yun, ‘di ‘yun, may boyfriend ‘yun,’ gano’n. Well, wala naman masyadong kaibigan si Ali na babae. Kung may kaibigan siyang babae, asawa ng kaibigan niya,” giit ng aktres.

May bulung-bulungan na pinipili lamang diumano ni Cristine kung sino ang mga dapat maging kaibigan ni Ali. “No, that’s not true. Kasi si Ali marami talaga siyang kaibigan and bago ko pa siya nakilala, parang feeling ko, kaibigan na niya ang buong bayan,” paglilinaw ng aktres.

Madalas na nag-aaway sina Cristine at Ali dahil sa isang bagay. “Cell phone, cell phone niya ring nang ring, text nang text. I mean, lahat ng tao sa kanya talaga. As in para siyang call center,” kwento ni Cristine.

Xian pressured sa bago nilang serye ni Kim

Malapit nang mapanood sa ABS-CBN ang teleseryeng The Story of Us na pagtatambalan nina Kim Chiu at Xian Lim. Ibang-iba raw ang karakter dito ni Xian kumpara sa lahat ng nagawa niyang mga proyekto noon. “We’re really excited kasi nakikita na namin ‘yung pinaghirapan namin. This time around I will be a local of Palawan. So something different and ang role ko rito, isa akong mangingisda, tour guide kaya something na hindi ko pa nagagawa. Every role naman eh ‘pag naha-handle namin nag-iiba talaga eh. Kasi there’s maturity and siyempre ‘yung relationship nag-i-evolve. So ibang-iba this time around,” pagbabahagi ni Xian.

Nakararamdam ng pressure ang aktor para sa kanilang bagong proyekto ni Kim pero umaasang muli silang susuportahan ng mga tagahanga ng kanilang tambalan. “Siyempre may pressure but we are just going to be really happy and proud and we are going to work hard para sa show na ‘to. The show in general makakapanood na sila finally ng isang project na kami ni Kim ang gumawa,” pagtatapos ni Xian.

vuukle comment

ACIRC

ALI

ALI KHATIBI

ANG

CRISTINE

CRISTINE REYES

KASI

KIM CHIU

SA JANUARY

STORY OF US

XIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with