^

PSN Showbiz

Sikat na celebrity halos P60-M ang halaga ng mga painting sa bahay!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Puno ng paintings ang bahay ng isang sikat na celebrity at sa baba pa lang ng two-storey house ay almost P15-M na ang worth ng dalawang paintings na naka-display. Ang maliit na painting na gawa ni Vicen­te Manansala, P4-M na ang worth noong time na binili ‘yun, at baka ngayon ay triple na ang halaga nito.

Mas mahal ang isa pang painting na naka-display sa sala ng bahay ng celebrity dahil bukod sa mas malaki sa Manansala painting, gawa ito ng isa pang icon ng ating bansa. Hindi nabanggit ng celebrity kung sino ang may gawa ng painting o baka hindi lang namin narinig nang kanyang banggitin ang pa­ngalan.

Marami pang painting sa second floor ng bahay ang celebrity na hindi na nakita ng press people. Ang tantiya ng press people, aabutin ng P60-M ang pain­tings sa bahay ng celebrity.

Namana ng celebrity sa kanyang parents ang mga nasabing painting sa kanyang bahay ngayon. Nang mamatay ang ina, ang naging usapan nila ng kanyang mga kapatid ay sa kanya ibibigay ang collection nito na puro mamahalin at gawa ng mga national artist.

May mga anak ang celebrity at alam na niya kung kani-kanino niya ito ipamamana.

Pahinga sa pagpapa-sexy Cristine magpapatawa naman

Ang trilogy movie na Lumayo Ka Nga Sa Akin ang first movie na ire-release ng Viva Films this year, na co-produced ng Hea­ven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista.

Tatlong episodes ito at gawa ng tatlong directors na magkakaiba ang cast. Showing nationwide sa January 13 ang sinasabing 3-in-1 comedy event ng 2016 mula sa best-selling book ni Bob Ong.

Intriguing ang blurb ng pelikula na “Handa ka na bang pasukin ang mundo ng pelikulang Pilipino? Nood na ng Lumayo Ka Nga Sa Akin”.

Tampok sa episode na Asawa Ni Marie sina Cristine Reyes at Paolo Ballesteros at balik-pelikula rito si Cristine after niyang ipanganak si Amarah. May alagang malaking aso ang karakter ni Cristine sa episode nila ni Paolo na may pangalang Yagit.

Nakakatawa ang trailer ng movie sa YouTube dahil para raw ito sa fans at bashers ng Pinoy movies. Trailer pa lang, nakakaengganyo nang manood.

Kasama rin sa cast sina Joey Paras, Jayson Gainza, at Antoinette Taus.

Derrick physically and emotionally ready sa paglaladlad ng katawan

Sobrang excited na siguro si Derrick Monasterio na mag- February 8 dahil pilot ng Afternoon Prime na The Abandoned kung saan kapareha niya si Bea Binene. Matagal hinintay ng aktor ang kasunod na project niya after The Half Sisters na papalit sa Buena Familia.

Sa February din ang launch ng album niya sa GMA Records. May seven tracks ang album na baka self-titled.

Isa pa sa ikinai-excite ni Derrick, ay baka gamiting theme song sa The Abandoned ang isa sa kanyang mga kanta.

Physically and emotionally ready na si Derrick sa daring role at pinatunayan niya ito sa isang episode ng Karelasyon kung saan nakapareha niya si Beth Oropesa sa isang May-December love affair. Hopefully, maging challenging ang role niya sa The Abandoned  sa direction ni Laurice Guillen.

Janine natupad ang wish na magka-TVC

Hindi pa namin napapanood ang first TVC ni Janine Gutierrez ng Palmolive Naturals Vibrant Color, na napapanood na sa YouTube page ng Palmolive. Pinost ni Janine sa Instagram (IG) ang BTS shots at ang ganda ng rehistro niya sa screen.

Dream come true na naman ito kay Janine dahil kahit noong hindi pa siya artista, pinangarap na niyang magkaroon ng kahit anong TVC.

Proud mom din si Lotlot de Leon dahil pinost din nito sa kanyang IG account ang BTS ng TVC ni Janine.

Anyway, patuloy na napapanood si Janine sa morning series ng GMA 7 na Dangwa.

Sa March naman ipalalabas ang second movie niyang Lila at sa August ay  mapapanood siya sa Dagsin with Benjamin Alves sa 2016 Cinemalaya.

ACIRC

AFTERNOON PRIME

ANG

ANTOINETTE TAUS

ASAWA NI MARIE

BEA BINENE

BENJAMIN ALVES

CRISTINE

JANINE

LUMAYO KA NGA SA AKIN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with