^

PSN Showbiz

Mala-Sarah, JaDine etc. Boss Vic del Rosario naghahanap ng mga bagong pasisikatin!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Promising ang Born To Be A Star, ang talent search show ng TV5 at Viva Entertainment na mapapanood simula sa February 6.

Bongga ang cast ng Born To Be A Star dahil si Ogie Alcasid ang host at judges sina Pops Fernandez, Aiza Seguerra, at Andrew E. Kasama rin sa show sina Mark Bautista at Yassi Pressman.

Naniniwala si Boss Vic del Rosario, ang Chief Strategist ng TV5, na makakahanap ng bagong star ang kanilang programa. Maraming beses nang napatunayan ni Boss Vic ang husay niya sa pag-discover ng mga superstar mula kina Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Donna Cruz, at Sarah Geronimo.

Si Boss Vic din ang nakakita sa potensyal na sumikat nina Anne Curtis, Nadine Lustre, at James Reid.

Si Mark Bautista ang dumarayo sa iba’t ibang lupalop ng bansa para hanapin ang mga contestant ng Born To Be A Star. Take note, discovery din ni Boss Vic at ng Viva si Mark, pati na si Rachelle Ann Go.

Depositors ng isang bangko natatakot sa nangyari sa mother-in-law ni Alfre D

Depositor ako ng Banco de Oro sa isang branch nito sa Quezon City at kinausap ko na ang bank manager dahil final na ang decision ko na isara ang account ko bilang simpatiya kay Mrs. Nerissa Espiritu, ang biyenan ni Congressman Alfred Vargas na sinaktan ng isang Cynthia Huang sa Broadway Centrum branch noong December 29, 2015.

Nawala ang tiwala ko sa mga empleyado ng BDO dahil hindi nila tinulungan si Mrs. Espiritu samantalang nangyari ang pananakit sa loob mismo ng bangko.

Sa kuwento ni Alfred, walang ginawa ang bank manager na si Arlene Paguio pero nakuha pa nito na proteksyonan ang suspect.

Nagkaroon ako ng takot bilang depositor ng bangko na ito. Ano ang assurance na hindi mangyayari sa akin o sa ibang mga kliyente ang naranasan ng isang senior citizen na duguan at mag-isa na nagpunta sa ospital dahil hindi siya tinulungan ni Paguio at ng ibang mga empleyado ng bangko? Hindi naman kalabisan na ihatid nila si Mrs. Espiritu sa ospital.

Senior citizen ako kaya nag-aalala ako para sa kapakanan ng ibang depositors ng bangko dahil puwedeng mangyari sa kanila ang traumatic experience ni Mrs. Espiritu.

Depositor din ako ng Metrobank pero wala tayong narinig o nabalitaan na may nasaktan na kliyente sa loob ng bangko nila dahil maganda ang treatment nila sa lahat, VIP client man o hindi.

Wondering ang aking maid of honor na si Mel dahil kung talagang VIP client daw si Huang, bakit ito nakipag-agawan ng silya na para sa mga senior citizen?

Kung talagang VIP client si Huang, didiretso ito sa opisina ni Paguio at hindi aagawan ng silya ang isang babae na halos nanay na niya. Hindi ko talaga ma-imagine na magagawa ng 37-year-old na si Huang na saktan ang 64-year-old na babae na parang ina na niya at siguradong mahina kesa sa kanya.

May mga nagtatanong naman tungkol sa aksyon na gagawin ng mga cause oriented group o samahan ng mga senior citizen tungkol sa kaso ng pananakit ni Huang kay Mrs. Espiritu at sa hindi pagtulong sa biktima ng bank manager na si Arlene Paguio.

Agree ako sa sinabi ni Alfred na dapat magsagawa ng imbestigasyon ang head office ng naturang bangko dahil sa pagtatago ni Paguio sa suspect at sa pagtanggi niya na sabihin ang name ni Huang nang mag-imbestiga ang Quezon City Police.

AIZA SEGUERRA

ANG

ARLENE PAGUIO

BORN TO BE A STAR

BOSS VIC

DAHIL

HINDI

HUANG

MGA

MRS. ESPIRITU

PAGUIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with