Kumbinasyong Wenn-Vice Ganda naghahanda na sa susunod na MMFF
Finally, napanood ko rin ang Beauty and the Bestie nina Vice Ganda at Coco Martin at sulit ang mahigit isang oras na panonood ko ng pelikula dahil sa sunud-sunod na katatawanan na handog nito. Nakakatawa ang movie at walang makakatalo sa kumbinasyon nina direk Wenn Deramas at Vice Ganda. Maski na ang seryosong aktor na si Coco ay nagawang gawing komikero sa pelikula at pagtawanan ang kanyang height.
Obvious na pinagbuhusan ng oras ang proyekto para maging ganun kasaya. Kung sabagay, ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ang muling pagsasama ng magkaibigang Vice at Coco, kung sa susunod ba na Metro Manila Film Festival (MMFF) ito o baka mas maaga pa sa festival.
Speaking of MMFF, Malapit na itong magtapos, pero pinipilahan pa rin ang Beauty... sa lugar ko sa SM Fairview.
In fairness, maayos din ang pagkakagawa ng All You Need Is Pag-ibig ni Antoinette Jadaone. Sa delubyong sinuong ng pelikula ni Kris Aquino, himalang andun pa rin naman siya sa pelikula not alone but triumphantly standing after all the big controversy with Derek Ramsay and her reliable co-stars na talagang nag-effort para maisalba ang proyekto.
Hindi lamang sina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria, Kim Chiu, at Xian Lim ang nagdala ng movie kundi ang lahat nilang kasama - Nova Villa, Ronaldo Valdez, Pokwang, Bimby Yap na habang lumalaki ay lalong lumalakas ang personalidad. Maging ang Concio sisters ay hindi naging pandekorasyon lamang, talagang pinaarte sila.
In fairness, ang dami palang fans ng mag-inang Kris at Bimby. At nagawa ng movie na manatili sa ika-apat na posisyon sa box-office. Sa ginawa niyang pagpabaya sa movie dapat ay maging masaya na si Kris sa kinahinatnan ng kanilang pelikula.
Haunted Mansion ‘wag sanang itulad sa SR&R
Mas humaba na ang pila ng Haunted Mansion. Kahit alas-tres pa ang nakatakdang pagpapalabas, eh nakapila na sa labas ng sinehan ang mga manonood. I’m sure maski si Mother Lily Monteverde ay nagulat sa naging resulta ng pelikula niya sa takilya. Marami pa ring fans ang mga nakakatakot na pelikula at maging ang mga kabataang artista na lumabas dito - Janella Salvador, Marlo Mortel, at Jerome Ponce.
Sana huwag nang ulitin ng Regal na gawing franchise ito, tulad ng Shake, Rattle & Roll at sa halip ay iba-ibahin na lang ang istorya niya taun-taon.
Pelikula nina Angel at Gob. Vi parang pangsabong sa awards
Ang ganda at very interesting ang napanood kong teaser ng Darna. Kaboses ni Angel Locsin ang nagna-narrate. ‘Yun ba ay gawa ni Erik Matti? Impressive huh!
Worth watching din at kaabang-abang ‘yung matagal nang inaanunsyong pagsasama sa isang pelikula nina Gob. Vilma Santos at Angel Locsin. Mukhang isasabak din sa awards. Everything About Her ang titulo ng pelikula na ginagawa ng Star Cinema. Nakakatakot ang salpukan ng dalawang aktres.
Kaya naman pala na-intimidate si Xian Lim.
GMA at Viva dapat magbigayan para sa career ni Andre
Hindi naman siguro pagsasabayin ng GMA at ng Viva ang pagpapalabas ng movie ni Andre Paras with Yassi Pressman at ang teleserye niya sa GMA kasama naman si Barbie Forteza?
Si Andre ang maapektuhan kung saka-sakali at baka sa halip na umangat siya ay maapektuhan ang karera niya sa proseso ng pagkukumpara sa kanya with his two leading ladies.
- Latest