^

PSN Showbiz

Regine papatali na uli sa GMA

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tutuldukan na ni Regine Velasquez ang mga kuwentu-kuwento na lilipat siya ng ABS-CBN para maging judge sa isang talent show. Bukas, Lunes, pipirma na siya ng panibagong kontrata sa GMA 7.

Kung ilang panahon din pinag-usapan ang nasabing paglipat umano ni Regine pero ngayon, tiyak na mabubura na.

Toni walang pinipiling oras sa pakikipag-love making

May hula ang mga nakapanood kay Toni Gonzaga-Soriano sa guesting nila nina Mariel Rodriguez-Padilla and Bianca Gonzales-Intal na any moment ay makakabuo na sila ng asawa niyang si Direk Paul Soriano.

Aminado kasi ang actress/TV host na anytime of the day, as in walang oras ay lagi siyang ready na makipag-make love sa asawa.

Ayaw pang sagutin nung una ni Toni ang tanong ni Tito Boy Abunda sa late night talk show dahil sinisita pala siya ng kanyang Mommy Pinty pag pinag-uusapan on air ang intimate moments nila ng asawa. Pero wala rin siyang nagawa dahil si Mariel ay gustung-gusto ang topic na siya pala ay mas ready sa umaga sa kanyang asawang si Robin Padilla dahil meron pang energy at fresh-freshan pa.

Pero si Bianca parang ilang pang pag-usapan ang kanilang ‘bedroom adventure’ with her husband. Kaya lang in all fairness, hindi na kailangang magsalita ni Bianca dahil sa kanilang tatlo, siya naman ang unang nakabuo.

Anyway, si Mariel ay apat na sana ang anak kung ‘di lang nakunan. Si Toni lang talaga ang hindi pa kaya siguro, pag puwede silang mag-asawa go lang nang go para magka-baby agad.

Nagsimula sa Pinoy Big Brother ang samahan nilang tatlo noong mga bata-bata pa sila.

John Lloyd-Sarah movie hinihintay ngayong 2016

Hinihintay this year kung matutuloy pelikulang pagtatambalan uli nina Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz. ‘Yun ay kung pareho pa nilang gusto na magpakilig.

Parehong nag-level up ang dalawa last year. Si John Lloyd sa pelikulang Honor Thy Father na sobrang madrama (though ginawa naman niya ang A Second Chance with Bea Alonzo) at si Sarah sa kanyang all-original songs na concert sa Araneta Coliseum.

Kakaibang John Lloyd kasi ang napanood sa pelikula na ibinalik sa ibang mga sinehan matapos madagdagan ang mga nanonood dahil sa kontro­bersiya sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Desperadong ama at asawa ang actor na ginawa ang lahat para ibigay ang kailangan ng pamilya at naka-deliver talaga si John Lloyd. Pero common knowledge na hindi nga lang nakasali sa best picture category ang pelikula sa awards night ng MMFF.

Si Sarah naman ay nag-iba ng repertoire sa concert at nang huling makausap ng press ay sinasabing may planong pelikula pero wala pang klaro.

Pero sayang kung hindi na sila gagawa.

Last movie pa nila ang It Takes A Man and A Woman na sobra ang kinita sa takilya.

May mga nagsa-suggest naman na ibalik ang tambalan nina Sarah at Gerald Anderson na pumatok din noon sa pelikula.

A SECOND CHANCE

ANG

ARANETA COLISEUM

BEA ALONZO

BIANCA

DIREK PAUL SORIANO

GERALD ANDERSON

HONOR THY FATHER

IT TAKES A MAN AND A WOMAN

JOHN LLOYD

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with