^

PSN Showbiz

Umabot ng isang oras! Fireworks ng INC tinalbugan pa ang New Year Countdown sa Times Square New York

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Mas bongga pa rin ang New Year Countdown sa Philippine Arena kesa Countdown to 2016 sa Times Square New York.

Hindi totoo ang pralala na 50 minutes ang fireworks display sa Philippine Arena dahil tumagal ito ng isang oras. Ganyan katindi ang pagsalubong sa 2016 ng mga kapatid natin sa Iglesia Ni Cristo na hindi nagbabu sa Philippine Arena, kesehodang bumubuhos ang ulan.

Sulit ang hirap at pagod ng organizers ng Countdown to 2016 sa Philippine Arena dahil successful ang kanilang attempt na makamit ang tatlong Guinness World Records, ang Largest Fireworks Display, Longest Line of Sparklers Lit in A Relay, at Most Sparklers Lit Simultaneously.

Ewan ko lang kung mapapantayan ng ibang bansa ang isang oras na fireworks display sa Philippine Arena. Kung meron man, baka matatagalan pa dahil malaking budget ang kailangan nila.

Mga tao natakot magkasakit, nagpaputok sa Bagong Taon kakaunti rin

Inulan man ang pagpasok ng 2016, hindi naman nabalot ng usok ang Metro Manila dahil hindi overacting ang pagpapatutok. Tinamad na lumabas ng bahay ang karamihan dahil afraid sila na maulanan at magkasakit.

Wish ko lang, magandang sign para sa bansa natin ang pagbuhos ng ulan habang papaalis ang 2015 at pumapasok ang 2016.

Walang paki kesehodang kinikilig sa international TV Anderson Cooper ibang-iba kapag si Kathy Griffin ang ka-tandem

Kung live na napanood sa Net25 ang New Year Countdown ng Iglesia Ni Cristo sa Philippine Arena, live din na napanood sa telebisyon ang mga countdown ng GMA 7 at TV5 na dinaluhan ng kanilang mga contract star.

Si Anderson Cooper at ang comedienne na si Kathy Griffin ang mga host ng New Year Countdown sa New York na napanood kahapon sa CNN.

Nakakapanibago si Papa Anderson kapag si Kathy ang kasama niya dahil wala siyang ginawa kundi tumawa nang tumawa. Ibang-iba sa Anderson na seryoso tuwing nag-iinterbyu para sa programa niya sa CNN.

Grabe ang tawa ni Papa Anderson nang mapag-usapan nila ni Kathy ang Jonas Brothers. Kilig na kilig siya ‘ha? Sino kaya sa Jonas Brothers ang nakakapagpakilig kay Papa Anderson?

‘Kapatid’ ni Pia Wurtzbach humabol sa mga nag-uwi ng korona para sa bansa

Ang Mutya Ng Pilipinas 2015 na si Leren Mae Bautista ng Los Baños, Laguna ang nanalo na Miss Tourism Queen of the Year 2015/2016 na ginanap noong December 31 sa Putrajaya Marriott Hotel and Spa Grand Ballroom sa Malaysia.

Sinundan ni Leren ang yapak ni Pia Wurtzbach na nanalo bilang Miss Universe 2015 noong December 20 sa Las Vegas, Nevada.

Si Leren ang huling Pinay na nagbigay ng karangalan sa bansa natin bago mag-goodbye ang 2015. Hindi nakakagulat na nanalo si Leren dahil matalino at maganda siya. Gaya ni Pia, alaga rin si Leren ni Jonas Gaffud na lalong ginanahan na magsali ng kanyang mga kandidata sa iba’t-ibang mga beauty pageant sa 2016.

Nagsimula nang tumanggap ang Bb. Pilipinas Charities, Inc. ng mga aplikante para sa Bb. Pilipinas 2016 at sa January 15 ang deadline. Sure ako na marami ang sasali dahil naging inspirasyon nila si Pia dahil sa tagumpay nito sa Miss Universe.

Kean nagpatali na rin kay Chynna bago magtapos ang 2015!

Hindi lamang si Solenn Heussaff ang nagpakasal bago matapos ang 2015 dahil balitang-balita na lumagay rin sa tahimik sina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano. Kabilang sila sa sangkatutak na celebrities na nagpakasal noong 2015.

Ang tsismis, isang civil wedding ang naganap pero hindi pa nagkukuwento sina Chynna at Kean na mga nasa legal age na para magpakasal.

Hindi nakakagulat na humantong sa pagpapakasal ang relasyon ng dalawa dahil bukambibig ni Kean na in love na in love siya kay Chynna. The feeling is mutual para kay Chynna.

ALIGN

ANG

CHYNNA

DAHIL

LEFT

MGA

NEW YEAR COUNTDOWN

PAPA ANDERSON

PHILIPPINE ARENA

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with