^

PSN Showbiz

Direktor ng All You Need… masama ang loob sa mga sinehan; Matapos mag-blow out, magaling na aktres nilayasan ang taping!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mismong ang direktor ng pelikulang All You Need is Pag-ibig na si Antonette Jadaone ang nag-tweet na unti-unti nang binabawasan ng sinehan ang pelikulang All You Need is Pag-ibig.

Hindi kasi talaga nag-improve ang perfor­mance sa takilya, lalo na’t gumaganda naman ang box-office results ng Walang Fo­rever at Honor Thy Father, at nanatiling naglalaban sa number one slot ang My Bebe Love at ang Beauty and the Bestie.

Ayaw na lang magpa-stress ni Kris Aquino sa kapalaran ng kanyang pelikula, nagi-enjoy na lang siya sa bakasyon niya sa Hawaii kasama sina Joshua at Bimby.

PAK: Hindi pa rin nakapag-move on ang EP ng isang drama series nang biglang nilayasan siya ng isang artista niya sa gitna ng taping.

Naloka si EP pati ang buong production staff at co-stars nang biglang nawala si magaling na aktres sa set pagkatapos silang i-treat nang natanggap ang talent fee niya.

Nakantyawan si aktres ng mga katsikang production staff nang malaman nilang katatanggap lang ng talent fee niya.

Galante naman kasi si magaling na aktres nagpabili siya ng pagkain sa isang fastfood chain para sa kanilang lahat. As in sa lahat na nasa set ay may pagkaing pinabili ni magaling na aktres. Kaya enjoy ang lahat.

Habang enjoy sila sa pagkain na treat ni magaling na aktres, biglang tumakas na ito. Nagulat na lang sila na wala na si aktres. Marami pa siyang eksenang kukunan pero nawala na ito. Gustong iluwa ni EP ang kinain niya sa sobrang irita sa ginawa ni magaling na aktres. Wala silang nagawa, nag-drop ng walong sequences dahil ayaw na raw bumalik sa set ni magaling na aktres.

BOOM: In love na naman kaya ang binatang anak ni Lorna Tolentino na si Renz Fernandez?

Kapansin-pansin na raw sa set ng Little Nanay ang closeness nila ni Kris Bernal kaya pinagdudahang pinopormahan nito ang bida ng naturang drama series.

Ang sweet ng mga kuha nila sa Instagram account ni Kris, kaya mukhang nagkakadebelopan na raw ang dalawa.

Kabi-break lang daw ni Kris sa short-lived relationship niya sa isang thea­ter actor, kaya ewan ko lang kung seryoso na itong closeness nila ni Renz.

ACIRC

AKTRES

ALL YOU NEED

ANG

ANTONETTE JADAONE

BEAUTY AND THE BESTIE

HONOR THY FATHER

KRIS AQUINO

KRIS BERNAL

LITTLE NANAY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with