^

PSN Showbiz

DZMM, magbabalik-tanaw sa mga balitang tumatak sa 2015

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sasalubungin ng DZMM Radyo Patrol 630 ang 2016 na puno ng updates sa pagdiriwang ng publiko sa iba’t ibang lugar sa bansa at ng pagbabalik-tanaw sa pinakamalalaking balitang tumatak sa bayan ngayong bisperas ng Bagong Taon (Dec 31).

Tutukan ang coverage ng DZMM sa New Year’s revelry sa pag-iikot ng Radyo Patrol reporters sa iba’t ibang lokasyon at ospital kasama na rin ang pagbabahagi ng tips at mga paalala sa ligtas na pagdiriwang.

Bago naman ang ganap na pagsalubong sa Bagong Taon, magbabalik-tanaw sina Vic Lima at Toni Aquino sa pinakamalalaking balitang tinutukan at sinubayba­yan ng bayan sa isang espesyal na year-end report na Dos Mil Kinse: Naka-report Agad sa DZMM.

Mapapanood at mapapakinggan ito sa bisperas ng Bagong Taon bilang updates na ilalahad kada oras mula 9AM hanggang 10PM, at sasariwain ang ilan sa mga pangyayaring yumanig sa bayan at tinutukan ng DZMM, gaya ng pagbisita ng Santo Papa, ang madugong engkuwentro sa Mamasapano, ang pagkakaligtas ni Mary Jane Veloso sa parusang kamatayan, ang “tanim-bala” scam, at mga kalamidad na tumama sa bansa.

Para sa pinakasariwang balita at komentaryo, makinig sa DZMM Radyo Patrol Sais Trenta, ang numero unong AM radio station sa Mega Manila at tumutok sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), o sa online livestreaming sa dzmm.com.ph.

ANG

BAGONG TAON

DOS MIL KINSE

DZMM

MARY JANE VELOSO

MEGA MANILA

NEW YEAR

RADYO PATROL

RADYO PATROL SAIS TRENTA

SANTO PAPA

TONI AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with