Beauty… walang mabiling tickets hanggang last full show! Alden kailangang magsumikap sa aktingan!
Hindi naman pala totoo ang nasulat na hindi puno ang mga sinehan na pinaglalabasan ng movie nina Vice Ganda at Coco Martin na Beauty and the Bestie dahil nang magtangka ako na manood sa Trinoma ng nasabing pelikula ay wala akong nabiling tiket para sa opening hanggang sa last full show ng pelikula. Gusto kong magprotesta dahil sobrang napaka-layo ng Trinoma sa Novaliches na walang reserved seats. Nung una akong mag-try na manood ng Beauty and the Bestie at My Bebe Love sa SM Fairview ay parehong sold out ang mga tiket. But then, first day showing ‘yun. Martes na uli ako nag-decide na manood ng sine, baka naman pwede nang mapanood ng magkasunod ang dalawang pelikula. Uunahin ko sana ang movie ni Vice, gusto ko kasing matawa. Matapos manatili sa aking kama sa loob ng apat na araw dahil sa karamdaman gusto kong sumaya pero, from first screening hanggang sa last showing, sold out ang tickets sa Trinoma. When I inquired about My Bebe Love, aba swerte na nakabili ang anak ko ng tatlong tiket at available ito hanggang sa huling pagpapalabas. So sa Vic Sotto and AiAi delas Alas movie kami pinulot.
Wala akong pinagsisihan, hindi ako nagalit sa pelikula. Masaya ito kaya lang, parang ayaw nang makawala ng AlDub sa kanilang OA na pagganap. Di bale sa Kalyeserye ng Eat Bulaga at baka required silang mag-overact pero, pati ba naman sa isang seryosong rom-com, isang love story sa pagitan ng dalawang pareha, OA pa rin? Iba ang expectation ko. Ang parang nag-provide ng katatawanan sa movie ay si AiAi with her outlandish costume and overacting siya pero bagay mag-OA.
Hindi ko pa napapanood ang ibang entries kaya, again, wala akong “k” mag-comment kung karapat-dapat si Maine Mendoza sa kanyang Best Supporting Actress award. Pero, may malaking promise siya. Kailangang magsumikap pa nang husto ni Alden Richards para hindi siya mapag-iwanan ng kanyang ka-loveteam.
Pagkapanalo ni Jericho walang may tutol
Kung kay Jennylyn Mercado ay may tumutuos sa panalo niya bilang Best Actress sa Walang Forever, para namang sampalataya ang lahat sa pagkakapili kay Jericho Rosales bilang Best Actor.
Katunayan, bago pa ang Gabi ng Parangal ay nag-concede na siya bilang Best Actor sa kapwa niya Kapamilya na si John Lloyd Cruz para sa Honor Thy Father na mahigpit na ipinaglalaban ngayon nina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti kasama na si John Lloyd na bukod sa artista ng movie ay isa pa rin sa mga producer nito dahilan sa inaakala nilang ginawang pang- aabuso at pagmamaltrato sa kanilang pelikula ng MMFF.
- Latest