^

PSN Showbiz

Taga-MMFF binawalang magsalita sa individual na kita ng MMFF, bookers mas may alam pa!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binawalan pala talaga ang mga taga-Metro Manila Film Festival (MMFF) na magbigay ng figures ng mga pelikulang naglalaban-laban ngayong taon.

Ang tanging ibinibigay lang nila kasi ay ang total amount ng kita. At sa ranking, ini-emphasize pa nila na ‘in no particular order.’ Mismong sa kanilang Twitter account din nila sila naglalabas ng updates.

As of yesterday, ang MMFF Day 5 Gross (December 25-29) ay umabot na sa P547 million.

In no particular order, nasa listahan ang My Bebe Love, Beauty and the Bestie, Haunted Mansion, and Walang Forever. Meaning, naunahan na ng Walang Forever ang All You Need si Pag-ibig ni Kris Aquino.

Ayon sa source, oras daw kasi na ma-quote na taga-MMFF na nagbigay ng confirmation sa mga kinikita ng mga pelikula, umano’y papatawan ng suspension.

Iniiwasan umano ng MMFF na hindi na tauhin ang ibang pelikulang kasali at mag-concentrate na lang sa dalawa o tatlong pelikulang kumikita kaya hindi sila nagbibigay ng figures.

Pero may ilang booker naman ang nagsabi na talagang nag-uunahan sa no. 1 ang My Bebe Love and Beauty and the Bestie.

Ang sabi ng isang booker, may ilang sinehan pa nga raw na mas malakas na ang Bestie… at guhit na lang ang lamang ng Bebe Love sa over all na kita.

Pero inuulit niya, base lang ‘yun sa bilang nila bilang booker.

Though banggit ng source, magbibigay naman ng final figures ang MMFF sa pagtatapos ng sampung araw na fiesta ng pelikulang Tagalog.

Anyway, malampasan kaya ng kita this year ang kinita ng MMFF last year na almost P1 billion? One week na sa mga sinehan ang MMFF tomorrow, pero more than P500 million pa lang ang kinikita.

Eh after a week, malamang ibabalik na sa ilang sinehan ang Star Wars na naudlot ang pagpapalabas nang magsimula ang MMFF noong Pasko.

Pinayagan naman sa mga iMax theaters na ipalabas ang Star Wars kahit on going sa MMFF kaya ‘yung hindi mahilig sa Tagalog films, ang nasabing pelikula na umano’y  may pinakamalaking kitang Star Wars ang mas pinanood.

Kris haggard ang hitsura sa pelikula

By the way, ang nakakagulat ay ang pangungulelat ng All You Need is Pag-ibig na hindi naman actually naka-focus kay Kris Aquino ang istorya. Naging pelikula na nga ito nina Kim Chiu and Xian Lim, Jodi Sta. Maria and Ian Veneracion, Pokwang among others. Kasi ang iksi na lang ng role ni Kris. Makikita pa sa ilang eksena na haggard talaga siya. Maging si Derek Ramsay ay kakaperanggot ang role.

Pero andun naman ‘yung theme na pag-ibig na umiikot sa buong kuwento na si Kris ang numero unong naniniwala bilang si Love pero wala naman siyang makitang sariling pag-ibig na parang sa totoong buhay.

Baka nga mas kumita pa ito kung si Mayor Herbert Bautista ang ka-partner niya dahil magkakaroon ng natural na kilig.

Tinalbugan pa si Kris ng mga bida ng Haunted Mansion na sina Janella Salvador, Mario Mortel, and Jerome Ponce.

Hindi inasahan na magna-no. 3 ang HM ang Regal Films. Pero ayun hataw sila.

 

ACIRC

ALL YOU NEED

ANG

BEAUTY AND THE BESTIE

BEBE LOVE

HAUNTED MANSION

KRIS AQUINO

MMFF

PERO

STAR WARS

WALANG FOREVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with