Pagdiskwalipika sa ‘Honor Thy Father’ walang personalan, pulitika – MMDA chair
MANILA, Philippines – Hindi naging madali ang pagdiskwalipika sa “Honor Thy Father” sa Best Picture category ng 41st Metro Manila Film Festival (MMFF), ayon kay Metro Manila Development Authority Chairman Emerson Carlos.
Sinabi ni Carlos na kailangan lamang nila tuparin ang mga nasa patakaran sa pagdiskwalipika sa pelikulang pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz.
“Walang personalan. Walang pulitika,” wika ni Carlos. “It was a painful decision for us, but we had to do it to send a message across.”
Diniskwalipika ang naturang pelikula matapos malamang ipinalabas na ito sa Cinema One Originals bilang opening film nitong nakaraang buwan.
“We’re just upholding the rule of law so that there will be fair treatment among all the entries,” dagdag niya.
Aminado rin ang MMDA chairman na hindi naging maganda ang paglalabas nila ng desisyon – isang araw bago ang awards night.
Dahil sa isyu ay naghain ng resolusyon si Laguna Representative Dan Fernandez sa Kamara upang imbestigahan ang isyu.
- Latest