Bagong Darna, kaboses ni Nadine!
Nakikipagsabayan ang fans ni Angel Locsin sa isyu ni director Erik Matti sa 41st Metro Manila Film Festival dahil sumugod na naman sila sa Instagram (IG) ng director para muling kalampagin na kay Angel pa rin ibigay ang Darna.
Muling nag-ingay ang fans ni Angel nang mapanood ang teaser ng Darna na ipinalabas sa mga sinehan bago ipalabas ang Beauty and The Bestie at Haunted Mansion. Nabulabog ang fans ni Angel sa balitang kaboses ni Nadine Lustre ang narinig nilang nagsalita o sumigaw yata ng “Darna.”
Kaya ayun, inaaraw-araw nila si Direk Matti na si Angel pa rin ang gumanap na Darna at hintaying gumaling ang aktres. May mga nagbanta pang ibo-boycott nila ang movie ‘pag hindi si Angel ang maging si Darna. In fairness, hindi nakalimutan ng fans na purihin si Direk Erik sa ginawa nitong magandang teaser.
Anyway, walang sinasagot si Direk Erik sa maraming fans ni Angel na bumibisita sa kanyang IG dahil busy nga siya sa MMFF issue.
Tuloy ang laban nito at kahapon, nabasa namin ang tweets nitong, “We thought we were just doing a small film that will only appeal to a few. Thank you #MMFF2015 for the buzz you created. #HonorThyFather” at “Akala nila lahat ng tao pag niloko tatameme lang kasi makapangyarihan silang mga haligi ng industriya. #MMFF2015Scandal #nakakurbatangtae.”
Siyanga pala, may nagpapatanong kina Direk Erik at Dondon Monteverde kung ano ang reaction nila na ang theme song ng Honor Thy Father na Tao na hindi naman original ay nanalong Best Original Theme Song sa MMFF Awards Night? Original ni Sampaguita ang song at 1970 pa ni-record.
Marami ang naniniwala na ang dapat manalong best original theme song ay ang theme song ng Walang Forever na Bawat Daan ni Ebe Dancel. Hindi alam ng mga taga-MMFF na matagal nang na-release ang Tao at nilagyan lang ng bagong areglo ng kumanta nitong si Armi Millare ng Up Dharma Down Band.
Judy Ann at Dingdong, orig choice raw sa Walang Forever
Totoo ba ito? Bago pa mapunta kina Jennylyn Mercado at JM de Guzman ang role nina Mia at Ethan sa Walang Forever, unang na-consider for the said roles sina Judy Ann Santos at Dingdong Dantes respectively.
Hindi lang daw pumuwede si Judy Ann dahil nagbuntis at kinailangan ding palitan si Dingdong ni JM. Pero hindi rin pumuwede si JM and after one shooting day, kinailangan siyang palitan ni Jericho Rosales.
Ano kaya ang kinalabasan ng Walang Forever kung na-retain ang original cast na sina Judy Ann at Dingdong o kung hindi napalitan si JM at sila pa rin ni Jennylyn?
Matagal na karelasyon ng singer-actor, aktres may bago nang papa na singer din
Sinubukan naming bisitahin ang Instagram (IG) account ng nababalitang bagong couple ngayon, epic fail nga lang kami dahil parehong naka-private ang account ng dalawa.
Ang girl sa newest couple ay matagal na nakarelasyon ng sikat na singer-actor (SA) at may anak sila.
Inakalang forever na ang relasyon nila dahil iniwan ni SA ang kanyang pamilya for the girl. Kaya lang, naghiwalay din ang dalawa after magkaroon ng isang anak.
Ang lalake na ipinalit ng girl kay SA ay isa ring singer, hindi nga lang masyadong sumikat and after one or two albums, based na sa States at bumabalik na lang ng Pilipinas para bumisita.
Kasalanan daw ni SA kung bakit ipinagpalit siya ng matagal niyang ka-live in sa bago nitong dyowa dahil never siyang pinakasalan nito kahit annulled na ang kasal ni SA sa first wife na isa ring singer-actress.
Saka, tiyak na nakarating sa girl na itinira ni SA sa States na may GF din dito si SA at dalawa silang minamahal nito.
Hindi naman siguro gumanti si girl, pero nalaman na lang daw ni SA na may ibang mahal ang live in partner niya. Hindi na siya naghabol dahil kasalanan din niya kung bakit na-fall out of love for him ang ex.
Ang maganda lang sa nangyaring ito, nakilala at nakakasama na ng ex-wife ni SA ang anak nila ng girl na naging rason nang kanilang paghihiwalay.
- Latest