Hindi na mapu-pull out sa mga sinehan, Honor… ni JLC mas pinag-uusapan na
Nakakuha ng media mileage ang pelikulang Honor Thy Father na pinagbidahan ni John Lloyd Cruz at dinirek ni Erik Matti for Reality Entertainment nang ito’y maging controversial dahil sa pagkaka-disqualify ng MMFF screening committee na mapasali ang pelikula sa Best Picture category.
Although maganda ang pagkakagawa ng pelikula, hindi ito gaanong nabigyan ng matinding promo kumpara sa ibang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival na nagsimula last December 25. Ganunpaman, mas pinag-usapan ito kumpara sa ibang entries ng MMFF.
Makatulong kaya sa pelikulang Honor Thy Father ang kontrobersiya para lalong panoorin ang pelikula at hindi ito ma-pull out sa maraming sinehan para ibigay sa mas malalakas na pelikula sa takilya?
Pia abot-kamay na ang mga pangarap!
Everything is coming up roses for the Philippines’ third Miss Universe na si Pia Alonzo Wurtzbach dahil bukod sa honor and perks ng isang Miss Universe at pananatili sa New York , USA sa loob ng isang taon, malamang na matupad na rin ang matagal nang pangarap ni Pia na makilala ang matagal na niyang crush na si Siwon Choi ng Super Junior boy band ng Seoul, Korea.
Siwon congratulated Pia sa kanyang panalo at saka ito inimbitahan sa kanilang concert sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.
Since tied-up na si Pia sa schedules ng Miss Universe sa loob ng isang taon, maisingit kaya nito ang rare opportunity na mapanood ang Super Junior Band at makilala nang personal ang matagal na niyang crush na si Siwon Choi?
4th Impact markado na sa buong mundo
Hindi man pumasok sa Top 3 ng X-Factor –UK ang 4th Impact na binubuo ng Cercado sisters mula sa Pilipinas na sina Almira (27), Irene (25), Mylene (23) at Celina (19), hinding-hindi makakalimutan ng magkakapatid ang kanilang naging experience sa British reality singing competition sa London lalupa’t sila lamang ang kauna-unahang Asian performer na nakapasok sa nasabing competition.
Kahit nagtapos na ang 2015 season ng X-Factor UK, hindi doon nagtatapos ang karera ng magkakapatid na ang target ngayon ay international market.
Kasama ang 4th Impact sa fourteen-city concert tour ng The X-Factor UK 2016 Live Tour na magsisimula sa buwan ng February 2016 at kasama ang London, Dublin at Glasgow sa kanilang pupuntahan.
- Latest