Direk Erik tuluy-tuloy ang atake sa MMFF 2015
PIK: Pagkatapos ng ilang araw na bakasyon, back to work na ang pinaka-busy na Kapuso actor na si Alden Richards.
Siya ang host bukas sa GMA Countdown na may hashtag #MaGMAhalanTayoNgayongPasko.
Sa mga gustong makisama sa countdown na gaganapin sa SM Mall of Asia Seaside Boulevard, puwede kayong magsuot ng bonggang costume dahil may nakahandang sorpresa sa inyo.
PAK: Masaya ang taping ng Little Nanay kahapon nang mag-guest si Christopher de Leon.
Isang abogado na ex-boyfriend pala ni Nora Aunor ang role niya sa naturang drama series ng GMA 7.
Tuwang-tuwa ang ilang artistang involved kagaya ni Gladys Reyes na kinikilig na nakaeksena niya sina Boyet at Nora.
Nag-post ito sa kanyang Instagram account kasama ang dalawang iginagalang na aktor sa industriya.
Sabi nga niya; “Hindi ko maaring palampasin ang pagkakataong maka-selfie ang dalawa sa inirerespeto at itinuturing nating haligi ng industriya ng Pelikulang Pilipino. Isang malaking karangalan ang makasama sila sa isang eksena.”
Ang dami nga raw nagpa-selfie sa kanilang dalawa.
May ilang staff naman doon na nagulat at kinikilig din nang marinig daw nilang “Papa” pa rin ang tawag ni Ate Guy kay Papa Bo!
BOOM: Nakakaintriga na ang mga ipinu-post ni direk Erik Matti sa kanyang Twitter account na blind item tungkol daw sa isang Metro Manila Film Festival (MMFF) organizer na kasosyo sa ilang entries sa ngayong taong filmfest.
Hindi lang daw sa walong entries kundi pati sa New Wave Section ay may kasosyo pa rin itong pinapatutsadahan niyang MMFF organizer.
Isa sa mga tweets niya; “Nasa #mmff lineup na, nasa #MMFFNewWave pa. They’re everywhere. Tingin tingin lang sa paligid. Para silang mga multo na ganid sa pera.”
Kaya tila hindi nirerespeto ni direk Erik ang napanalunan niyang Best Director. Sabi nga niya sa kanyang Twitter account; “Sa dumi nitong #MMFF2015 ‘di ako naniniwala na best director ako. I’m sure di rin nila alam ano ang best directing. #RIPMMFF #MMFF2015Scandal”
Ang latest na narinig namin, didinggin sa kongreso ang resolution na sinumite ni Cong. Dan Fernandez nung kamakalawa lang. Pero ewan ko lang kung may magagawa pang baguhin ang ganitong sistema sa MMFF.
- Latest