^

PSN Showbiz

Andrea interesado pa rin sa ex na apat na ang anak

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay muling nakita ni Andrea del Rosario ang dating kasintahang car racer na si Renan Morales.

Labingtatlong taon na ang nakalilipas nang magkahiwalay ang dalawa at mula noon ay hindi na raw nagkita. “I’m happy to see him again. Gano’n talaga siguro ang buhay, magkikita-kita pa rin kayo kapag ‘yon ang destiny ninyo,” nakangiting bungad ni An­drea. Kahit na nagkita ulit ay hindi naman daw nangangahulugang magkakaroon ng balikan sa dating magkasintahan. “Marami nang nagbago sa amin, sa pananaw namin sa buhay, sa priorities namin. The good thing is, we are reunited and we share the same interest,” giit ni Andrea.

May isang anak na ngayon ang aktres habang ang lalaki naman ay apat na ang anak. Hindi raw magiging hadlang ang pagkakaroon nila ng kanya-kanyang anak kung muli silang magkakagustuhan. “Wala namang problema kung may anak na rin siya. Hindi naman isyu ‘yon. Hindi na rin naman kami mga bata. Pwede namang package deal,” natatawang pahayag ng aktres.

Ayon kay Andrea ay nararapat lamang na maging magkaibigan muli ang mga dating magkasintahan. “Mas masarap ‘yung wala kang iniiwasan. Ang pangit kaya ng feeling na meron kang tinatago. Lalo na ‘yon (Renan), kasi may mga anak siya do’n ‘di ba? Alangan namang mag-iwasan sila. Kaya okay lang ‘yun, let’s all be friends,” giit pa niya.

Jericho at Kim, hindi mag-asawa ang tingin sa isa’t isa

Mahigit isang taon nang kasal sina Jericho Rosales at Kim Jones. Hanggang ngayon ay wala pa rin sa plano ng mag-asawa ang pagkakaroon ng anak. “Kasi gusto pa naming mag-travel together. Mahirap na kapag may karga-karga ka na eh,” paliwanag ni Jericho.

Masaya raw ang buhay may asawa ng aktor kaya ine-enjoy lamang ang kanilang pagsasama ni Kim. “Para lang ka­ming mag-boyfriend at girlfriend pero magkasama kami sa isang bubong. Saka mas madalas kaming magkita, magkatabi kami sa kama,” nakangiting pahayag ng aktor.

Suportado raw ni Kim ang pagiging artista ni Jericho at hindi rin pinagseselosan ang mga babaeng nakakatambal ng aktor sa mga proyekto. “She’s a very secure woman and alam niya na my heart belongs to her. Alam niya na this is my job and na ginagawa ko lagi na maging effective ako at magaling ako sa trabaho. Siyempre passion ko ito eh. Before she married me, alam niya na ‘yon. Then I support her palagi. Kung gusto niya mag-travel, go. Kung gusto niyang gumawa ng ganito, go. I’m there to support her, encourage her. Kapag low times niya, lift her up, ganyan. Sometimes I just shut my mouth and listen. Sometimes girls just want to be heard. So nakikinig din ako,” pagbabahagi ng aktor.

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ALANGAN

ANDREA

ANG

HINDI

JERICHO ROSALES

KIM JONES

RENAN MORALES

SOMETIMES I

THEN I

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with