^

PSN Showbiz

Female personality na mahilig makiepal, baduy at hirap na hirap bihisan ng mga designer

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Epal kung tawagin ng marami ang isang kilalang female personality. Sa biglang tingin ay parang hindi siya ganu’n, simple lang kasi siyang tingnan, parang hindi nga siya makapananakit ng kahit langaw lang.

Pero kabaligtaran ‘yun ng kanyang ugali, mahilig siyang makisawsaw, nanghihimasok siya sa kung anu-anong isyu na para bang siya na ang pinakamatalinong nilalang sa balat ng lupa.

Kuwento ng aming source, “Meron na bang mala­king isyung hindi niya pinakisawsawan? ‘Di ba, agad-agad siyang nagko-comment, kahit pa kasamahan niyang artista ang involved sa issue?

“Wala siyang pakialam kahit makapanakit siya, wala rin siyang pakialam kung nasa iisang industry lang sila ng pinagkokomentuhan niya. Epal talaga siya, sobrang epal!

“Pero kung titingnan mo lang siya, e, madaya ang image ng lokah! Parang wala siyang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya, pero saan ka, pa-involved ang babaeng ‘yun!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Maganda ang actress-TV host, pero maraming pumapansin sa kanyang porma, may kabaduyan kasi siya. Hirap na hirap ang mga designers na bihisan siya.

Madalas sabihin ng mga nakakabasa sa kanyang mga komento sa social media na bago niya pakialaman ang buhay ng may buhay ay mas magandang pag-aralan niya muna kung paano manamit sa tamang okasyon.

“Sa kanilang grupo, e, siya ang pinakabaduy manamit. Magandang manamit ang mga kaibigan niyang TV host din, pero siya, malaking problema siya ng mga designers. Kahit gaano kagandang damit ang ipasuot sa kanya, e, baduy pa rin siya!

“Kapag katabi nga niya ang mga friends niya, e, nagmumukha siyang PA, sa totoo lang, kaya bago siya mag-comment nang mag-comment sa social media, pakialaman niya muna ang pananamit niya!” madiing komento ng aming source.

Ubos!

Best supporting award ni Maine hindi na puwedeng habulin

Mag-apela man nang walang humpay ang hindi pabor sa pananalo ni Maine Mendoza bilang best supporting actress sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ay wala na silang magagawa.

Siya ang pinapanalo ng komite ng MMFF, hindi niya naman hiningi ang parangal, katunayan ay gulantang na gulantang mismo si Yaya Dub nang makarating sa kanya ang impormasyon na siya ang nanalong best supporting actress para sa pelikulang My Bebe Love.

Bago pa siya paandaran ng kaliwa’t kanang pamba-bash ay nagtanong na siya agad, “Bakit ako?” dahil siya mismo ay nabigla sa naging resulta ng labanan sa nasabing kategorya.

Totoong marami siyang nakalaban na hinog na sa kanilang linya, pero si Maine ang mas pinili ng pamunuan ng MMFF, kaya wala nang magagawa pa ang kanyang mga bashers sa tagumpay na nakuha niya sa festival.

“Tinulugan ko nga ang My Bebe Love,” sabi ng isa naming kaibigan, pero may kakontra namang komento ‘yun, “Mula umpisa hanggang sa ending, aliw na aliw ako kay Maine. Kabagu-bago niyang artista, ni hindi nga siya nag-workshop, pero magaling na siya!”

Panahon ngayon ni Yaya Dub. Anumang pagtuligsa ng mga kababayan nating hindi pabor sa kanyang parangal ay magiging balewala na lang.

Kapag tamang panahon talaga ang kumambal sa isang tao ay wawasakin niya ang lahat-lahat. Sa ayaw at sa gusto natin ay siya na ang best supporting actress ng MMFF.

ACIRC

ANG

EPAL

HINDI

MGA

MY BEBE LOVE

NIYA

PERO

SIYA

SIYANG

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with