^

PSN Showbiz

MMFF pinaiimbestigahan na sa kongreso

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nairaos naman ang Gabi ng Parangal ng 41st Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Kia Theater kamakalawa ng gabi. Pero makulay ito at napuno ng kontrobersya at protesta dahil sa mga isyung kinasangkutan nito.

Marami ang nasorpresa sa pagkapanalo ni Maine Mendoza bilang Best Supporting Actress mula sa pelikulang My Bebe Love.

Natalo ni Maine ang dalawang nominadong sina Nova Villa sa All You Need is Pag-ibig at si Iza Calzado sa The Haunted Mansion.

Napanood namin ang tatlong pelikula at agree kami sa pagkapanalo ni Maine. Nakitaan ng galing si Maine kahit unang pelikula pa lang niya ito at iba ito sa ginagawa niya sa Kalyeserye.

PAK: Nilinaw naman ni Janine Gutierrez ang intrigang nag-walk out daw ito sa awards night pagkatapos niyang mag-pre­sent ng 3rd Best Picture na My Bebe Love.

Na-preempt kasi ang pagkapanalo din ng naturang pelikula ng Gatpuno Antonio Villegas Award.

Kaya natigil at nag-take two dahil sa parehong tinawag na winner ito ni Janine.

Ayon sa handler ni Janine, hindi raw nag-walk out ang Kapuso young actress. Talagang aalis daw siya agad pagkatapos niyang mag-present dahil may hinahabol pa raw ito sa SM Megamall bago magsara.

Nakalagay din daw kasi sa cue card na binasa ni Janine na nakasulat din daw doon ang Gatpuno Antonio Villegas award. Tinanong daw niya sa staff doon kung basahin din ba niya iyon, at nag-oo naman daw. Kaya nagkaroon pa ng pagtatalo sa floor director at ilang staff ng naturang awards night. Inulit lang naman daw ni Janine at okay na raw siya. Hindi naman iyon dahilan para mag-walk out siya.

Natagalan pa nga raw ito sa red carpet dahil sa rami pa ng mga nagpapalitrato sa kanya. Wala raw walk out na nangyari, malinaw na ipinaliwanag ng kampo ni Janine.

BOOM: Lalong lumala ang isyung disqualification sa Best Picture category ng pelikulang Honor Thy Father.

Si direk Erik Matti ang nanalong Best Director pero no show ito nung gabing iyon at isang taga-Reality Entertainment ang tumanggap ng trophy at binasa ang mensahe ni direk Erik na puno ng hinanakit.

Nung gabi ring iyon ay nag-tweet si direk Erik ng, “’Di ako madadala sa himas ng plastic na trophy. Balik na tayo sa totoong issue.”

Kahapon ng umaga ay nag-file ng resolution si Cong. Dan Fernandez (na kasama rin sa pelikula) sa Kongreso na paimbestigahan ang ginawa ng MMFF Executive Committee.

Kasama ni Cong. Dan ang producer nito na si Dondon Monteverde at ang legal counsel nilang si Atty. Agnes Maranan.

Si Cong. Fernandez ang nag-introduce ng Reso­lution Directing the Committee on Metro Manila Development to Conduct an Inquiry, in Aid of Le­gislation, on the Disqualification of the Film Entry, Honor Thy Father, from the Selection of Best Picture Category of the Metro Manila Festival (MMFF) 2015.

 

ACIRC

AGNES MARANAN

AID OF LE

ALL YOU NEED

ANG

BEST DIRECTOR

BEST PICTURE

HONOR THY FATHER

ITO

JANINE

MY BEBE LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with