^

PSN Showbiz

Parang walang sabit mag-asawang personalidad na naka-eskapo bitbit ang maraming datung, buhay hari at reyna sa ibang bansa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ilang balikbayan naming kaibigan ang may kuwentong hatid tungkol sa mag-asawang personalidad na matagal nang umalis ng bansa dahil sa pagkakasangkot nila sa isang malakihang scam.

Lalo na ang pamosong lalaking personalidad, pinaghahanap siya ng mga kasosyo niya sa negosyo, nagising na lang isang umaga ang mga investors ng kumpanya na nakaalis na pala ang mag-asawa bitbit ang milyun-milyong puhunan nila.

Pinlano nila ang pag-alis, bago pa pumutok ang anomalya ay naiposisyon na ng mag-asawa pati ang kanilang mga anak, nakuha pa nga nilang makapag-impake ng kanilang mga kagamitan at una nilang ipinadala ‘yun sa ibang bansa.

Ayon sa aming mga kaibigan ay living in style pa rin daw ang mag-asawa, madalas nilang makita sa mga mall ang pamilya, parang wala raw silang pinangingilagan at kumportable na ang kanilang buhay sa malamig na bansa.

‘’Yung girl, ganu’n pa rin ang itsura niya, walang ipinagbago. Ang guy naman, as always, hunk na hunk pa rin ang porma. Hindi mo nga iisipin na may pinagtataguan pala sila dito sa Pilipinas kaya napadpad sila du’n!” kuwento ng aming source.

Mahigit na isang dekada nang naninirahan sa ibang bansa ang mag-asawa, du’n na ipinagpatuloy ng kanilang mga anak ang pag-aaral, talagang pinlano na nila ang lahat-lahat para matakasan ang malaking sabit nila dito.

Patuloy ng aming source, “E, ang isa pa naman sa mga investors ng itinayo nilang company, e, ‘yung guy na very controversial dahil sa bintang na pananakit sa isang kilalang male personality, kaya naku, kapag bumalik ng bansa ang magdyowang ‘yun, e, siguradong makikita nila ang ayaw nilang makita!

“’Di nga ba, magaling talaga ang lalaking ‘yun? Ano ba ang ginawa niya sa ex niyang magandang aktres? ‘Di ba, pinerahan niya nang todo ang girl? User siya!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Kampo ni Sen. Grace mas abala sa paghahanda ng mga dokumento

Tapos na ang Pasko. Bagong Taon naman ang pinaghahandaan natin ngayon. Kailangang makumpleto natin ang pitong bilog na prutas para maging masuwerte sa atin ang Year of The Fire Monkey.

Kailangan din ng mga pailaw, siguradong hindi rin mapipigilan ng mga otoridad ang mga paputok, kailangang maging maingay ang pagsalubong natin sa 2016 para umingay ang pagpasok ng mga biyaya sa buhay natin sa buong taon.

Sa kabila ng tradisyong kinasanayan na natin bilang bahagi ng ating kultura ay may isang grupo namang parang hindi nakikipagdiwang sa selebrasyon. Ang inaasikaso nila ay mga dokumento, ang pagsusumite ng apela, ang hindi pagdidiskuwalipika kay Senadora Grace Poe para kumandidato sa panguluhan.

Nakakalungkot ang ganu’ng pangyayari. Nagsasaya ang buong bayan pero ang kampo naman ng senadora ay nililigalig tungkol sa kanyang citizenship at residency.

Parang kinikinita na namin ang emosyon ni Manang Inday (Susan Roces) sa mga panahong ito. Sa bawat sakit na nararamdaman ng anak ay sampung doble nu’n o higit pa ang bumabalandra sa magulang.

Pero hindi nawawalan ng pag-asawa si Senadora Grace Poe, buo ang kanyang loob sa paniniwala na mabibigyan siya ng positibong basbas ng Supreme Court para makapaglingkod sa ating mga kababayan, ‘yun din ang hiling ng mga kababayan nating buung-buo ang tiwala, suporta at pagmamahal sa magiting na senadora ng bayan.

Walang imposible, sa pagkapanganak pa lang natin ay nakaguhit na sa ating mga palad ang tatakbuhin at kahihinatnan ng ating kapalaran, walang nakakakontra kung para sa atin talaga ang pagkakataon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

BAGONG TAON

MANANG INDAY

MGA

NILA

SENADORA GRACE POE

SUPREME COURT

SUSAN ROCES

YEAR OF THE FIRE MONKEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with