‘Bakit ako?’ Maine takang-taka na nanalong Best Supporting Actress
Si Maine Mendoza aka Yaya Dub ang surprise winner sa awards night ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015.
Win si Maine ng best supporting actress award dahil sa role niya sa My Bebe Love. Nagbabakasyon sa Japan si Maine at ang kanyang pamilya kaya iba ang tumanggap ng acting award niya.
Nanguna si Maine sa pagtataka dahil siya ang nanalo. Ni hindi nga siya nag-expect na magkakaroon ng acting nomination.
At dahil likas na kikay si Maine, siya na ang nauna na magtanong. Ang sabi niya, “Bago pa ako i-bash ng sambayanan, mauuna na ako.. Bakit ako? Pero maraming salamat po! Magandang umaga sa lahat!”
Alden kailangang bigyan ng oras ang ‘pelikula’ nila ni Maine
Dahil sa lakas sa takilya ng My Bebe Love, hindi ako magugulat kung magkaroon ng Valentine movie sina Maine at Alden Richards pero depende ito sa kanilang mga availability.
Baka wala silang time para mag-shooting dahil sa kanilang hectic schedule, lalo na si Alden na hindi nawawalan ng mga ginagawa.
Pero kung talagang gugustuhin nila na makagawa ng pelikula para sa Valentine’s Day sa 2016, maraming paraan.
Vic at AiAi hindi man lang na-nominate
Kung kinilig ang mga nanood ng My Bebe Love sa mga eksena nina Alden at Maine, may mga nagsabi na mas kinilig sila sa mga eksena nina AiAi delas Alas at Vic Sotto.
Parehong nominated sina Alden at Maine sa best supporting actor/actress category ng MMFF 2015 kaya wondering ang fans nina Bossing at AiAi dahil hindi sila nominado sa kategorya ng best actor at best actress ng MMFF 2015.
Maria Ozawa singit sa Awards Night
Mga artista ng Viva ang napanood sa MMFF 2015 Awards dahil ang Viva ang producer ng show na napanood sa TV5.
Mga host sina Richard Gutierrez at KC Concepcion. Talent si KC ng Viva Artists Agency at si Richard naman ang bida sa television remake ng Ang Panday na ipalalabas sa TV5 sa February 2016.
Performers sina Yassi Pressman, Mark Bautista, Monica Cuenco, Alonzo Muhlach etc.
Hindi talent ng Viva Artists Agency si Maria Ozawa pero ang Viva Films ang nag-release sa mga sinehan ng Nilalang, ang filmfest movie nila ni Cesar Montano na may teleserye na gagawin sa TV5, kasama sina Claudine Barretto at Diether Ocampo.
Honor Thy Father team hindi bitter?!
Hindi binoykot ng Honor Thy Father team ang awards night ng MMFF 2015 pero hindi dumalo ang direktor na si Erik Matti na nag-win ng best director trophy. May tsismis na na-sight si John Lloyd Cruz sa dressing room ng Kia Theater pero hindi naman nakita ng fans na naghintay sa kanya at nag-hope na magkaroon ng photo op na kasama siya.
Marami ang naintriga Honor... hinihiling na ibalik sa ibang sinehan
Maingay na maingay ang isyu tungkol sa disqualification ng Honor Thy Father sa best picture category ng MMFF 2015 Awards.
Eh nanalo pa si Tirso Cruz III na best supporting actor dahil ang galing-galing niya sa Honor Thy Father kaya marami ang nagde-demand na ibalik sa mga sinehan ang pelikula.
Curious na curious ang mga tao na mapanood ang Honor Thy Father dahil sa good reviews sa pelikula ni John Lloyd. Bagama’t nasa ibang mga sinehan pa naman ito.
May mga nanghihinayang dahil hindi agad nila pinanood ang Honor Thy Father nang magbukas ito sa mga sinehan noong December 25.
- Latest