Top 3 ng MMFF kumita umano ng P150-M
Ayon sa balita, kumita ng mahigit P60-M sa opening day last December 25 ang My Bebe Love (#KiligPaMore) na joint production ng OctoArts Films ni Boss Orly Ilacad, M-Zet Films ni Vic Sotto, APT Entertainment ni Tony Tuviera, GMA Films at MEDA Productions ni AiAi delas Alas making it the highest first day gross ng isang local film habang ang P90-M plus ay nagmula sa pito pang kalahok na pelikula.
Base sa aming nakalap na information, umabot ng P150-M plus ang kinita ng MMFF sa opening day nito last December 25, araw ng Pasko. At kung magpapatuloy ang trend, malamang na malagpasan pa ng 41st MMFF gross ang kinita noong isang taon na umabot ng mahigit isang bilyong piso.
Maine hindi naisip na makakasali sa MMFF
Never in her wildest dream na magkakaroon siya ng pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at mararanasan niyang sumakay sa karosa sa Parada ng mga Artista last December 23 pero ang mga ito ay reyalidad na nangyari sa tinaguriang Dubsmash Queen-turned TV and movie sensation na si Maine “Yaya Dub” Mendoza.
Maraming “firsts” ang nangyari kay Maine ganundin sa kanyang ka-loveteam na si Alden Richards sa loob lamang ng mahigit limang buwan ng kanilang tandem.
Now considered the hottest local loveteam, ang init ng tambalang Alden at Maine ay magpapatuloy sa taong 2016 sa kabila ng claim ng iba na panandalian lamang ang kasikatan ng dalawa.
Muling nagpakita ng puwersa ang AlDub Nation para maging No. 1 sa takilya ang My Bebe Love (#KiligPaMore) at nakipagsanib-puwersa sila sa loyal following nina Vic Sotto at AiAi delas Alas.
Janella, Marlo, at Jerome hindi inasahan ang paglaban sa takilya
Naging surprise hit sa ongoing Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Haunted Mansion ng Regal Films na pinagbibidahan ng mga Kapamilya young stars na sina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Jerome Ponce na idinirek ng premyadong director na si Jun Lana.
Sa pagsisimula ng MMFF ay pumangatlo ang Haunted Mansion at pumang-apat lamang sa kanila ang All You Need is Pag-ibig na pinagbidahan nina Kris Aquino at Derek Ramsay mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone.
Kung laki ng mga pangalan ng kanilang mga kapanabayan sa festival ang pag-uusapan, maituturing na minor stars sina Janella, Marlo, at Jerome pero hindi sila nagpatinag sa mga ito dahil talagang isa ang Haunted Mansion sa pinipilahan ng mga manonood hanggang ngayon.
- Latest