^

PSN Showbiz

Gerald gustong magpakalalim sa 2016

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa pagpasok ng 2016 ay gusto raw ni Gerald Anderson na maging matagumpay pa ang kanyang showbiz career. “Hopefully mas successful kasi ang dami kong mga plano rin for myself. ‘Yung foundation ko and everything else and career wise, ang daming roles ang gusto kong gampanan. So sana sa simula pa lang ng taon magawa ko na ang lahat ng ‘yun,” bungad ni Gerald.

Pangarap ng aktor na makagawa ng isang action-drama ang tema sa telebisyon. “Of course, ‘yon talaga ang gusto ko eh. Kumbaga ‘yon ‘yung forte ko. Siyempre kahit ano kung maganda po ‘yung istorya and role ko, malaman siya o malalim and alam kong maraming mai-inspire. I would love to do it. Nangako ako sa sarili ko na I will really do roles na sobrang excited ako. I want to do roles na matsa-challenge ako and mahihirapan ako. Kasi that’s the only way na it becomes great,” paliwanag ni Gerald.

Pinapangarap daw ng binata na makasama sa isang proyekto ang ilang Kapamilya actors na kanyang hinahangaan pagdating sa pag-arte. “Gusto ko rin makasama si Piolo (Pascual). Gusto ko rin makasama si John Lloyd (Cruz). Of course  maraming actors who I look up to and sana when their careers are finished and kung nandito pa ako, I would love to continue the road na iniwan nila para sa mga bata,” pagbabahagi ng aktor.

Kim level up na sa next teleserye, todo na sa love scenes

Magaling magpinta si Xian Lim kaya may mga nagtatanong sa aktor kung kaya ba niyang iguhit ng nakahubad ang sinasabing espesyal sa puso ng aktor na si Kim Chiu. “Walang pinipili ang art, it’s a form of expression but thinking of it medyo kinakabahan na ako,” nakangiting pahayag ni Xian.

“’Wag naman, ‘di ko kaya,” natatawang sagot naman ni Kim.

Sa ngayon ay wala pa ring linaw kung ano ang talagang relasyon ng dalawa pero nagkakaintindihan naman daw ang mga ito. “It’s fun,” makahulugang pahayag ni Kim.

Para naman kay Xian ay mabuti nang maging pribado na lamang kung ano man ang mayroon sila ni Kim ngayon. “Maybe because it’s a sign of respect na rin at the same time because everything is just so out in the open, and it’s just something for us,” paliwanag ng aktor.

Muling magtatambal ang dalawa sa teleser­yeng The Story of Us na mapapanood sa susunod na taon sa Kapamilya network. Kaabang-abang ang love scenes nina Kim at Xian sa nasabing serye.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

CRUZ

GERALD ANDERSON

JOHN LLOYD

KAPAMILYA

KIM CHIU

STORY OF US

XIAN

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with