^

PSN Showbiz

Susan mas nahihirapan sa nangyayari kay Grace

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tiyak na mabigat ang pakiramdam ni Sen. Grace Poe sa naging desisyon ng Comelec na siya’y i-disqualify dahil sa question ng residency at citizenship at ang tanging pag-asa na lamang niya ay ang magiging desisyon ng Supreme Court.

Ganunpaman, kapuri-puri pa rin ang pagiging kalmado lamang ng senadora sa kabila ng kanyang matinding kinakaharap na problema na may kinalaman sa kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo ng bansa.

Kapag pinaboran ng SC ang desisyon ng Comelec, tiyak na magwawala ang mga taga-suporta ng senadora at makikinabang ang iba niyang karibal sa panguluhan at maiiwan sa ere ang kanyang ka-tandem na si Sen. Chiz Escudero na tatakbo naman sa pagka-vice president ng bansa.

Pero hangga’t walang pinal na desisyon ang kataas-taasang korte, nanatiling umaasa si Sen. Grace at ang kanyang mga taga-suporta na may pag-asa pa rin siyang makatakbo sa pagka-pangulo. Naniniwala ang Senadora na magiging fair ang judgment ng Supreme Court sa kanyang kinakaharap na kaso.

Napakahirap din sa parte ng ina ni Sen. Grace Poe, ang movie queen na si Susan Roces dahil kung saka-sakali ay pangalawang major blow ito sa kanilang pamilya. Naranasan din kasi ng kanyang yumaong mister na si Fernando Poe, Jr.  at ng kanilang pamilya ang pahirapan sa kanyang kandidatura noon sa pagka-pangulo na isa sa mga itinuturong major factor sa maaga nitong pagkamatay.

Tulad noon ni FPJ na pinaniniwalaang siya ang nanalo sa 2004 presidential elections, gagawin ng lahat ng mga katunggali ni Sen. Grace Poe na ito’y ma-disqualify para sila (mga kalaban) ang umangat sa rating.

Gabi ng parangal ngayon na, resulta sa takilya tiyak maapektuhan

Pangatlong araw pa lamang ngayon ng tumatakbong ika-41st Metro Manila Film Festival (MMFF) na nagsimula last December 25, araw ng Pasko at ngayong gabi (December 27) naman gaganapin ang Gabi ng Parangal sa Kia Theater in Quezon City.

Sa walong pelikulang kalahok, patuloy pa rin ang pangunguna sa takilya ng My Bebe Love (#KiligPaMore) na tinatampukan nina Vic Sotto, AiAi de las Alas Alden Richards, at Maine “Yaya Dub” Mendoza na idinirek ni Joey Javier Reyes pero nasa No. 2 ang entry ng Star Cinema and Viva Films na Beauty and the Bestie nina Vice Ganda at Coco Martin kasama sina James Reid, Nadine Lustre, at Alonzo Muhlach na idinirek ni Wenn Deramas.  Nasa number three naman ang isa pang Star Cinema entry na All You Need is Pag-ibig nina Kris Aquino at Derek Ramsay kasama ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim, Pokwang, at ang tambalan nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion na idinirek naman ni Antoinette Jadaone.

Since malayo pa ang itatakbo ng MMFF, puwede pang mabago ang ranking ng walong pelikulang kalahok laluna pagkatapos ng awards night ngayong gabi.

Alonzo iti-treat sa HK

Dahil sa pagkakapanalo ni Alonzo Muhlach sa PMPC’s Star Awards for TV bilang Best New Male Personality (for Inday Bote) at pagta-top nito sa kanyang class sa La Salle - Greenhills at pagiging hit sa takilya ng Beauty and the Bestie ay iti-treat siya sa Hong Kong ng kanyang dad na si Niño Muhlach kasama ang buong pamilya ngayong January 2 to 6.

Since Hong Kong ang kanilang destination, hindi palalagpasin ni Alonzo ang Disneyland at Ocean Park at para mamili na rin ng kanyang mga paboritong toys.

ALAS ALDEN RICHARDS

ALL YOU NEED

ALONZO

ALONZO MUHLACH

ANG

ANTOINETTE JADAONE

BEAUTY AND THE BESTIE

BEST NEW MALE PERSONALITY

GRACE POE

KANYANG

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with