Enrique may awkward sa bagong ginagawa nila ni Liza
Muling magpapakilig ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil para sa teleseryeng Dolce Amore na magsisimula na sa 2016. “Siyempre ‘yung mga fans sa Forevermore na hindi pa maka-get over, ito na. Magbabalik na kami sa Primetime Bida, abangan n’yo po ‘yan. ‘Yung characters namin medyo ‘yung landas ng buhay nila, ‘yung fate nila switch. So medyo mayaman si Liza, ako ‘yung medyo mahirap dito,” nakangiting bungad ni Enrique.
May mga bagay daw ang inaral ng aktor at ni Liza upang mapaghandaang mabuti ang kanilang bagong proyekto. “Si Liza speech, she needs to learn the Italian language. Ako naman pangalan ko si Vicente pero growing up, hindi ko ma-pronounce ‘yung S. So Vitente, so nickname ko si Ten-Ten and like Jose Rizal, si Joti Rital. So medyo awkward pero masaya,” pagbabahagi ni Enrique.
Umaasa ang binata na muli silang makapagbibigay ng magandang programa para sa kanilang mga tagahanga. “Siyempre coming from Forevermore na sobrang big hit with direk Cathy (Garcia-Molina), and the cast, we just want to please the people. Kahit hindi naman matapatan ‘yung Forevermore, sana ‘yung feeling na nakuha nila sa Forevermore sana bumalik. Masaya lang,” pagtatapos ng aktor.
Enchong matagal nang pinapangarap si John Lloyd
Masayang-masaya si Enchong Dee dahil naging bahagi siya ng huling season ng Pinoy Big Brother (PBB). Isang malaking karangalan daw para sa aktor ang maging isa sa mga host ng nasabing reality show. “Siyempre no’ng nag-start ka ang dami mong kinukwestyon, bakit ba ako nandito? Ang dami ring nagtatanong, ‘Ano ba ang ginagawa ni Enchong diyan?’ Sa lahat ng paghihirap sa pagho-host dahil aminin naman natin it’s a new thing for me but it’s also a good thing na kasama ko ‘yung mga magagaling na host. Sina Toni (Gonzaga), Bianca (Gonzalez), Robi (Domingo) and the ending si Mariel (Rodriguez). Maswerte lang ako na napasama ako,” pahayag ni Enchong.
Bukod sa hosting ay gusto rin daw mapabilang ng binata sa isang programang pambata. “Alam ko first quarter (2016) we will be waiting for the audition of PBB but I’m also hoping na makakabalik sa paggawa ng teleserye. Siguro something for the kids. It doesn’t have to be superhero pero ‘yung theme siguro ng teleserye ‘yung may value. Something na kapag nakita ka, maaalala ka ng tao na nagdadala ka ng inspiration at magandang ehemplo sa mga tao,” paliwanag ni Enchong.
Samantala, noon pa raw pinapangarap ng aktor na makasama si John Lloyd Cruz sa isang magandang proyekto. “I’ve been very vocal kay Kuya Lloydie. Ever since I have started siya na talaga but we’ll see ‘di ba? He has a lot of things in his hands right now. He is our movie king so why not?” giit pa niya.
- Latest