^

PSN Showbiz

Claudine tatlu-tatlo ang leading man sa Bakit Manipis…

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Bukas na, December 27 ang sinasabing first ta­ping day ni Claudine Barretto ng teleserye niya sa TV5 na Bakit Manipis Ang Ulap. Pero hindi pa yata ito regular taping day, may mga kukunang eksena lang si director Joel Lamangan na gagamitin na pang-teaser o trailer ng teleserye.

Nauna na ang pictorial ng cast at sa nakita naming pictures, kasama nina Claudine, Diether Ocampo, at Cesar Montano si Bernard Palanca.

Sa February 2016 ang airing ng Bakit Manipis Ang Ulap pero ngayon pa lang ay masipag nang mag-promote si Claudine sa kanyang Instagram (IG) account.

Lalong nai-excite ang kanyang fans sa mga post nitong “Bakit Manipis ang Ulap soon!” kaya lang, may fans pa rin si Claudine na hindi alam na sa TV5 ang airing ng balik-teleserye nito at patuloy pa rin ang pagtatanong.

May mga dismayado rin kung bakit sa TV5 at hindi sa ABS-CBN ang balik-teleserye ni Claudine. Kaya sa mga nagtatanong, visit her IG. Sabi naman nito, after sa TV5 ay may gagawin siyang teleserye sa ABS-CBN.

’Di pa talaga ‘nagkabalikan’ AiAi at Kris hindi man lang nagkatinginan kahit sa Parada!

Sa SM cinemas lang ba maagang magbubukas ang mga sinehan para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movies at sa My Bebe Love movie lang?

Alam naming matutuwa at pabor sa AlDub Nation fans nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza ang maagang pagbubukas ng mga sinehan para raw hindi sila magsiksikan. Sa Parade of Stars pa lang, ipinakita na nila ang kanilang puwersa sa lakas ng suporta sa AlDub Nation at tutuparin nila ang pangakong gagawing number one ang My Bebe Love.

Nakaaaliw si AiAi delas Alas dahil parang “ticketron” ng mga sinehan. Sa kanya kasi nagtatanong ang AlDub Nation kung paano makabibili ng advance ticket kung puwedeng magsama ang bata at kung anu-ano pang concern. Lahat ‘yun sinasagot ni AiAi.

Ang hindi nasagot ni AiAi ay kung nagkita o nagkatinginan man lang ba sila ni Kris Aquino during the Parade of Stars.

Hindi sila magkikita sa awards night bukas dahil pareho silang wala. Si AiAi ay lumipad na for the States after ng parade at si Kris naman ay umalis kahapon with her sons papuntang Hawaii.

Baby Z ‘Baby of The Year’ na

“Baby of the Year” nga si Maria Letizia sa pagkakagulo ng fans at para na siyang cele­brity kung ituring. As of December 24, umabot na sa 101,917 likes ang pinost na picture ni Marian Rivera sa kanyang IG account na may caption na “Happy one month old Anak...Mommy and Daddy love you so much.”

Sa picture naman na ipinost ni Dingdong Dantes na nakadapang natutulog si Baby Z at kitang-kita ang mahabang eyelashes nito, may 55,917 likes na. Ang caption ni Dingdong ay “Happy first month my little angel. #MariaLetizia.”

Sa picture na ipinost ni Marian, kita ang buong mukha ni Baby Z na nakatingin sa camera at marunong nang mag-pose. Tila may usapan sina Dingdong at Marian na lagi silang magsasabay sa pagpu-post ng picture ni Baby Z, na nagugustuhan ng fans.

Alden nakapagpahinga na rin sa wakas

Ikinatuwa ng fans ni Alden Ri­chards ang tweet nitong “It’s official...BAKASYON NA AKO!!! Thank you Lord!!!” Concerned kasi ang fans ng aktor sa health nito at sa madalas na pagkakasakit niya. Kaya tuwang-tuwa silang malamang bakasyon na ito.

Ilang araw nga lang bakasyon si Alden dahil sa December 31, back to work na siya. Sila nina Kris Bernal at Betong ang hosts ng GMA 7 Countdown to 2016 na gagawin sa bayside ng SM Mall of Asia. Bukod sa tatlo, marami pang Kapuso stars ang mapapanood sa masayang show.  

May mga naka-line up na rin siyang projects next year kasama ang teleserye na hopefully, kayanin ng schedule ni Alden. Pinaghahandaan na rin ng fans ang birthday niya sa January 2, 2016.

Natuloy din ang Japan vacation ni Maine Mendoza with her family, kaya magkalayo ang AlDub love team sa Pasko at Bagong Taon.

ACIRC

ALDEN RI

ALIGN

ANG

BABY Z

BAKIT MANIPIS ANG ULAP

CLAUDINE

LANG

LEFT

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with