Tatay ni jinggoy nasayang lang, halatang luma at ’di na puwedeng ipalabas
PIK: Isa sa pinakamaraming nag-like sa mga nai-post na Christmas message ay ang kay Dingdong Dantes na kung saan ipinost ang litratong bitbit si Baby Maria Letizia kasama si Marian Rivera.
Ang ganda rin ng ipinost ni Marian ng huling kuha niya sa kanyang anak na kai-isang buwan lang nung nakaraang Miyerkules.
Ang tingin ng karamihan, mas nagiging malapit na ang itsura kay Dingdong. Pero mas type ng aktor na maging kamukha ni Marian ang kanilang anak.
Sa susunod na buwan ay ibabahagi na raw nila ang impormasyon kung kailan ang binyag at sino ang mga ninong at ninang.
PAK: Kahapon lang nagsimula ang bakasyon ng AlDub. Pero mas busy at maraming trabaho si Alden Richards kesa kay Maine Mendoza, kaya iyun na nga ang wish ng phenomenal star na sana magpahinga naman daw si Alden.
Mabuti at binigyan na ng bakasyon si Alden na wala talaga siyang gagawin hanggang bukas.
BOOM: Punung-puno ang custodial ng Camp Crame nung kamakalawa lang dahil sa dami ng mga gustong mag-celebrate ng Pasko kasama sina Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada.
Kaya kahit papano ay napasaya ang dalawang senador na naka-detain pa rin doon.
Iisa lang naman ang Christmas wish sa kanila ng mga kaibigan na ito na sana ang huling Pasko nila sa Camp Crame.
Ang isa kasi sa nami-miss ni Sen. Bong tuwing Pasko ay ang pagsali sa Metro Manila Film Festival.
Sana sa susunod na MMFF ay makakasali na raw siya.
Samantala, mukhang malabo nang maipalabas ni Sen. Jinggoy ang natapos na niyang pelikulang Tatay na dinirek ni Joey Reyes.
Halata na raw kasing luma na ito dahil kasali pa doon si Empress Shuck na parang dalagita pa, pero ngayon ay nanay na.
- Latest