MANILA, Philippines — Ilang araw matapos ang kalituhan, nagpadala ng mensahe ang pinakabagong Miss Universe Pia Wurtzbach kay Miss Colombia Ariadna Gutierrez.
Sa isang Instagram post ay sinabi ni Pia na pinagdikit sila ni Ariadna ng pambihirang pagkakataon dahil sa pagkakamali ng host nang ianunsiyong si Miss Colombia ang nanalo.
"To Ariadna, you are an amazing woman," nakasaad sa caption ni Pia. "Now we are bonded together forever by a unique experience."
Inilarawan pa niya ang pambato ng Colombia na "strong and beautiful inside and out."
"Fate has a plan for you, and I'm excited to see what's ahead," dagdag ni Pia.
Hiniling din niya sa publiko na itigil na ang pag-aaway dahil sa insidente ng kalituhan sa pagpapakilala ng panalo.
"Miss Universe Organization is about uniting empowered women from all over the world," pakiusap ni Pia. "Arguing and sending hateful messages to each other defeats the whole purpose."
Dapat magtrabaho nang husto ang Philippine National Police (PNP) para hanapin ang taong kinausap ni Vice President Sara Duterte na papatay kina President Ferdinand Marcos Jr, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez. Kung hindi agarang kikilos ang PNP, sila ang masisisi kapag may nangyari sa mga binantaang papatayin.
Ilang araw lang matapos maglabas ni Vice President Sara Duterte ng video sa internet kung saan pinagmumura si President Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez, ngayon sinasabi niya na “maliciously taken out of logical context” daw siya.
Kinasuhan ng Direct Assault, Disobedience at Grave Coercion ng Quezon City Police District si Vice President Sara Duterte at chief security nito na si Army Col. Raymund Dante Lachica sa Quezon City Prosecutors Office kasunod ng naganap na insidente sa Veterans Memorial Medical Center nitong Sabado.
Pormal nang sinampahan kahapon ng disbarment case sa Korte Suprema ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon si Vice President Sara Duterte upang matanggalan ng lisensiya bilang abogado.
Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!