‘Umaasa tayo na mas magiging masaya ang 2016’
Merry Christmas world!
Pasko na. Sana merry ang Christmas nating lahat. Sana may nakahandang pagsasaluhan sa mesa, kahit ano lang basta’t magkakasalo ang buong pamilya. ‘Yun lang naman ang ispiritu ng Pasko, ang pagsasama-sama. Kung mahirap ang buhay ngayon, let’s all vow to make it better next year.
Maraming pwedeng pagkakitaan, huwag ka lamang mawawalan ng pag-asa. Hindi araw-araw ay umuulan, sisikat din ang araw bukas.
Ang kaibigan ko ngang si Veronica Samio nagkasakit na, nawalan ng boses, tumaas ang asukal sa stress para makapangaroling lang at maibigay ang nabasa niyang kahilingan ng mga apo sa loob ng mga isinabit nilang medyas. And my friend is already 70 years old.
Pia mahusay magluto
Culinary pala ang tinapos ni Pia Wurtzbach. Kung dati ay plus factor ito sa magiging Mr. Right niya, ngayon, hindi na dahil Miss Universe na siya. For sure ang magiging asawa niya will give her household helps who will do everything for her, maski ang pagluluto na alam na alam niya.
- Latest