Float ng My Bebe Love, pinagkaguluhan! Sweet pinaulanan ng confetti ang sarili John Lloyd tuwang-tuwa sa parade
SEEN: Ang float ng My Bebe Love ang pinaka-popular sa Parade of Stars na ginanap kahapon sa Roxas Boulevard. Dinumog nang husto ng mga tao ang float nina AiAi delas Alas, Vic Sotto, Maine Mendoza at Alden Richards.
SCENE: Best Float contender ang float ng Honor Thy Father ng Reality Entertainment. Tuwang-tuwa si John Lloyd Cruz dahil first time niya na sumali sa parada ng mga artista na may kasali na pelikula sa 41st Metro Manila Film Festival.
SEEN: Maagang nagsimula ang MMFF Parade of Stars na nag-umpisa sa SM Mall of Asia Arena at natapos sa Quirino Grandstand.
SCENE: Nakaramdam ng pressure si Jennylyn Mercado dahil puring-puri ng entertainment press at film critics ang acting niya sa Walang Forever. Si Jennylyn ang MMFF 2014 best actress para sa English Only Please.
SEEN: Mula sa MMFF Parade, dumiretso si Alden Richards sa kanyang fans day sa GMA 7 studio.
SCENE: Nagulat ang fans dahil may float sa Parade of Stars ng MMFF 2015 si Richard Gutierrez. Nag-promote si Richard ng Ang Panday, ang kanyang teleserye sa TV5 na mapapanood sa February 2016.
SEEN: Nagdala ng sariling confetti si John Lapus sa float ng Buy Now, Die Later. Hit na hit sa fans ang gimik ni John.
SCENE: Memorable kay Janine Gutierrez ang pagsakay niya sa float ng Buy Now, Die Later dahil ito ang kanyang unang pelikula. Bumata na Lotlot de Leon ang role ni Janine sa Buy Now, Die Later.
- Latest