^

PSN Showbiz

Miss Colombia kuhang-kuha sa camera ang pagmamaldita

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May advantage at disadvantage ang mga cellphone camera dahil nagagamit ito bilang ebidensya sa mga insidente na kailangan ng saksi.

Sa kaso ni Miss Colombia Ariadna Gutierrez Arevalo, ipinahamak siya ng cellphone camera na nakapag-dokumentado ng mga pangyayari sa coronation night ng Miss Universe 2015.

Gamit ang cellphone camera, nakunan ng video ang female staff ng Miss Universe na sinasabihan si Miss Colombia na ipasa nito ang korona kay Pia Wurtzbach ng Pilipinas, ang tunay na winner.

Kitang-kita sa video na dinedma ni Miss Colombia ang instruction ng female staff kaya napalitan ng pagkainis ang awa na na-feel ng mga Pinoy para sa kanya.

Lumitaw ang pagiging greedy ng hitad na hindi matanggap na nagkamali ng announcement ang pageant host na si Steve Harvey.

Kung sabagay, napansin ang kasamaan ng ugali ni Miss Colombia sa question and answer portion ng Miss Universe dahil sa kanyang I, me, myself at mayabang na pagsagot.

Kung hindi nagkamali si Harvey ng pagbasa ng winner at si Miss Colombia ang totoong winner, sure ako na lalong yumabang ang malditang kandidata.

Miss Germany sumuko na

Nag-apologize na si Miss Germany dahil sa kasinungalingan na ikinalat nito na hindi ibinoto si Pia ng mga talunan na kandidata.

Huli na ang paghingi ni Miss Germany ng sorry dahil lumabas ang tunay na kasamaan ng kanyang ugali. Hindi niya inisip na kalahi rin niya si Pia dahil half-German ito.

Baka nga napilitan lang si Miss Germany na mag-apologize dahil hindi siya tinantanan ng mga Pinoy na galit na galit sa pang-ookray na ginawa niya kay Pia at sa manager nito na si Jonas Gaffud.

I’m sure, hindi niya kinaya ang pambu-bully at bashing na natikman mula sa mga Pinoy na kumuyog sa kanya sa social media at ipinagtanggol si Pia.

Nawala na tuloy ang atensyon kay Harvey dahil nakasentro ang bashing  kay Miss Germany at sa ibang mga kandidata na bitter sa tagumpay ni Pia. Kahit ano pa ang gawin nila, loser at forever bitter sila.

Jennylyn at Jericho, maganda ang feedback

Congrats kina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales dahil pinupuri ang pagganap nila sa Walang Forever.

Lahat ng mga reporter na nakausap ko, puring-puri ang Walang Forever dahil maganda raw ang bagong pelikula ng direktor na si Dan Villegas.

Nagkakaisa ang mga nakapanood sa Walang Forever sa kanilang opinyon na hahakot ng awards ang pelikula nina Jennylyn, Jericho at Dan.

Ang sey ng mga reporter, sure winner sa takilya ang Walang Forever dahil talagang maganda ang pelikula kaya congratulations din sa producer ng Quantum Films na si Atty. Joji Alonso.

Bukas na ang grand opening sa mga sinehan ng walong official entries sa Metro Manila Film Festival 2015.

Expected na maglalaban sa number one slot ang My Bebe Love at ang Beauty and The Bestie.

At dahil gusto ko na maging successful ang MMFF para sumigla ang local movie industry, hindi ko sasagutin ang mga nagtatanong sa akin tungkol sa pelikula na mangungulelat sa takilya. Walang mawawala kung magpapaka-positive tayo, alang-alang sa Pasko , Bagong Taon at sa ikauunlad ng movie industry sa Pilipinas.

ANG

BAGONG TAON

BEAUTY AND THE BESTIE

DAHIL

MGA

MISS

MISS COLOMBIA

MISS GERMANY

MISS UNIVERSE

PINOY

WALANG FOREVER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with