TV5 at COMELEC nagsanib-pwersa!
MANILA, Philippines – Susuportahan ng TV5 Network Inc. ang misyon ng Commission on Elections (COMELEC) sa mabilis na pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa nalalapit na 2016 national elections.
Bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility program, ang TV5 ay magbibigay ng computer hardware at equipment para sa voter’s information campaign, precinct finder program at count ng COMELEC sa araw ng halalan. Maglulunsad din ng app ang TV5 na makakatulong sa mga voters na malaman ang kanilang status at presinto hanggang sa araw ng kanilang pagboto.
Naniniwala ang Chairman ng COMELEC na si Atty. J. Andres Bautista na malaking bahagi ang TV5 at media sa pagkakaroon ng transparent at accountable na eleksyon. “Kami sa Comelec ay natutuwa sa malaking pagtulong ng TV5 sa ating halalan sa 2016. Napakahalaga ang tungkulin ng media sa paninigurado na ang ibat ibang bagay tungkol sa ating halalan ay ipinapaalam sa ating publiko,” sinabi ng Chairman.
Iginiit ni TV5 President Emmanuel C. Lorenzana na importanteng makilahok ang mamamayan sa darating na eleksyon. Ayon sa kanya, “Napaka importante para sa TV5 na makatulong; na sabi nga ni Chairman, sa transparent, informed decision making ng mga Filipino. At ito ay consistent sa TV5 slogan ng Bilang Pilipino: dalawa ang meaning niyan: bilang may tamang bilang dahil sa tulong ng media and of course bilang Pilipino as a Filipino it is our duty to actually vote and this is for the future of the country.,” inihayag ni Lorenzana.
“Nagpapasalamat kami na nabigyan kami ng pagkakataon na maging parte ng napaka - importanteng event sa susunod na taon,” dagdag pa niya.
- Latest