Marian ayaw pagtrabahuhin ang yaya ng anak
Hands-on parents ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang little princess na si Baby Zia (Maria Letizia).
Although may sariling yaya si Baby Zia, mas gusto ng mag-asawa na silang dalawa ang mag-alaga sa kanilang baby at salitan ang mag-asawa .
Kapag walang commitment si Dingdong sa kanyang trabaho, he makes it a point na nasa bahay siya kasama ang kanyang mag-ina. Si Marian naman ay ini-enjoy ang kanyang pagiging first time mom.
Ang mag-asawang Dingdong at Marian ay magsi-celebrate ng kanilang first wedding anniversary sa darating na December 30 at meron na silang advance anniversary gift, ang pagdating ni Baby Zia sa kanilang buhay.
William umaasang magbabago ang desisyon ni Yayo
Magkasama ang estranged couple na sina William Martinez at Yayo Aguila sa pelikulang Honor Thy Father pero hindi isyu sa dalawa ang kanilang pagsasama sa isang proyekto dahil magkaibigan pa rin ang dating mag-asawa kahit hiwalay na.
Sanay na umano sila sa kanilang set-up na magkahiwalay pero hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si William na muling makabalikan ang dating asawa.
Kuya Germs walang kapaguran sa paghahanap ng mga artista
Hindi man nasungkit ni Michael Pangilinan ang grand prize sa ikalawang season ng Your Face Sounds Familiar kung saan ang singer-actress na si Denise Laurel ang tinanghal na grand winner, hinding-hindi makakalimutan ng Harana Prince ang naging karanasan niya sa nasabing reality impersonation and singing competition.
“It was one experience na hindi ko makakalimutan,” pag-amin ng alaga ni Jobert Sucaldito.
Bukod sa lalong na-develop ang self-confidence ni Michael, mas nakilala siya nang husto ng publiko hindi lamang sa buong Pilipinas kundi maging sa ibang bansa na inaabot ng TFC o The Filipino Channel.
Ngayong tapos na ang Your Face…, bumalik pa rin kaya si Michael sa programang Walang Tulugan with the Master Showman ng GMA 7 kung saan siya talaga nagsimula o katulad na rin siya ni Marlo Mortel na isa nang Kapamilya ngayon.
Si Kuya Germs (Moreno) naman ay masaya sa kanyang mga alaga manatili man ang mga ito sa Kapuso o Kapamilya.
Ang mahalaga ay hindi sila nakakalimot sa kanilang pinagmulan.
Si Billy Crawford ay isa sa mga produkto ng That’s Entertainment youth-oriented program noon ni Kuya Germs.
Tatlong taong gulang pa lamang noon si Billy nang siya’y magsimula sa programa dati ng kanyang original na tatay-tatayan sa showbiz.
“I’m proud kung anuman ang narating ng mga anak-anakan ko sa showbiz,” pahayag ng Master Showman na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pagtuklas at pagtulong sa mga kabataang talents na naghahangad ng magandang break sa showbiz sa pamamagitan ng kanyang late-night Saturday musical variety show na Walang Tulugan on GMA na pinagmulan nina Jake Vargas, Ken Chan, Hiro Peralta, Michael Pangilinan at iba pa.
- Latest