John Lloyd hindi takot sa kikitain ng Honor Thy Father
Ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde ang nagbigay ng presscon para sa pelikulang Honor Thy Father na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz at idinirek ni Erik Matti for Reality Entertainment nila ni Dondon Monteverde.
Sa kabila na naipalabas na ang pelikula sa iba’t ibang international film festivals, tinanggap pa rin ito bilang pang-walong kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil sa pag-atras ng isang entry, ang Hermano Puli na pinagbibidahan ni Aljur Abrenica mula sa direksiyon ni Gil Portes.
Isa si John Lloyd sa co-producers ng Honor Thy Father na itinuturing ng marami na siyang hahakot ng maraming awards sa Awards Night on December 27.
Kahit kagagaling pa lamang ni Lloydie (John Lloyd) sa isang mega blockbuster hit movie with perennial screen partner na si Bea Alonzo, ang A Second Chance na idinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema, ayaw nitong magpa-pressure in terms of gross receipts ng kanyang MMFF movie entry.
Bilang isang mahusay na actor, gusto naman ni Lloydie sumubok ng mga kakaibang papel tulad ng kanyang ginampanan sa Honor Thy Father na magpapatuloy sa pag-iikot sa iba’t ibang international film festivals.
Alyanna Martinez sa Mount Everest inalok ng kasal
Malapit nang mag-asawa sa non-showbiz boyfriend ang panganay ni Albert Martinez na si Alyanna na kaka-engaged lang.
Fashion stylist si Alyanna at professional photographer ang fiancé nito na si Roy. Ang engagement ng dalawa ay kakaiba dahil ito’y nangyari sa Mount Everest Base Camp last December 3 when Alyanna turned 30.
Narito ang post ni Alyanna sa kanyang Instagram account:
“Dec. 3, 2015 will definitely be a day I will never forget for the following reasons: Survived my extreme #AlyannaAdventure@30; arrived at Everest Base Camp on my birthday; now engaged to my best friend & forever adventure partner; I am 30 “gulp”; I made it to Everest Base Camp w/ my own two 2 feet while the rest of the super hikers we started with didn’t due to AMS (mountain sickness); and I am now engaged “double gulp”. It is a lot to take in and I am still trying to accept my new reality. But here’s to a new exciting chapter of my life and I can’t wait to start it w/ you by my side@roymacum”
- Latest