^

PSN Showbiz

Jennylyn at Derek ayaw mag-expect ng too much sa Pasko

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Maulit kaya ang suwerte nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay at ng kanilang director ng English Only, Please 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na si Dan Villegas sa 2015 MMFF sa kanilang magkahiwalay na movie entry?

Si Jennylyn ay kapareha ni Jericho Ro­sales sa rom-com movie na Walang ­Fore­ver na pinamahalaan ni Dan Villegas habang si Derek ay kasama rin sa isang feel-good movie na All You Need is Pag-ibig na pinagtatambalan nila ni Kris Aquino na idinirek naman ng nobya ni Direk Dan na si Atoinnette Jadaone.

Parehong ayaw mag-expect nina Jennylyn at Derek sa kanilang magkahiwalay na pelikula pero pareho silang proud sa kinalabasan ng kani-kanilang bagong proyekto.

May balak din ang Quantum Films ni Atty. Joji Alonzo na muling pagtambalin sa pelikula sina Derek at Jennylyn at malamang na mangyari ito sa susunod na taon.

Sa presscon naman ng Walang Forever, tinanong si Echo kung posible ba itong mainlab kay Jennylyn kung nagkataong single pa siya at walang nobya.

“Oo naman. Sa ganda ni Jen, imposibleng hindi ma-inlove sa kanya ang mga kalalakihan,” natatawang pahayag ni Echo (Jericho).

“Pero natagpuan ko na ang ‘forever’ ko,referring to his wife na si Kim Jones.

“Pero ang maganda sa amin ni Jen, naging magkaibigan kami at nagkaroon kami ng rapport while doing the movie,” dugtong pa ni Echo.

Alonzo kasundo agad si Richard

Hindi pa man nagsisimula ang taping ng Ang Panday TV series ng TV5 na pagbibidahan ni Richard Gutierrez at kung saan may mahalagang papel ang child star na si Alonzo Muhlach bilang si Alfonso (ang may hawak ng mahiwang aklat), super close na ang dalawa. Tuwang-tuwa rin si Alonzo sa anak nina Richard at Sarah Lahbati na si Zion kaya noong story conference ng Ang Panday ay may Christmas gift si Alonzo para kay Zion na pinasalamatan ng dad nitong si Richard.

Natutuwa rin si Richard kay Alonzo dahil sa pagiging sobrang bibo ng “mini-me” ni Niño Muhlach.     

Si Direk Mac Alejandre ang director ng bagong TV remake ng Ang Panday, isa sa mga classic creation ni Direk Carlo J. Caparas at binigyang-buhay sa pelikula ng action king na si Fernando Poe, Jr.

ACIRC

ALIGN

ALONZO

ANG

ANG PANDAY

DAN VILLEGAS

DEREK

JENNYLYN

LEFT

QUOT

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with