Sinehan walang ibang palabas: Mga kasali sa MMFF nakikipag-agawan ng slot sa Star Wars!
PIK: Ang Pambansang Bae na si Alden Richards ang isa sa dumalo at nagbukas sa bagong dialysis sa Quezon City kamakailan lang.
Ito ‘yung A+Dialysis Center na nasa 4th floor lang ng GMA 7 Employees Multi-Purpose Cooperative o GEMPC sa may Timog Avenue, tapat lang ng GMA 7.
PAK: Dahil sa Star Wars, medyo hirap ang ilang producers ng mga entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ayaw magbigay ng mga sinehan ng oras para sa screening ng kanilang pelikula, dahil para talaga ito sa Star Wars.
Bale isang linggo lang kasi tatakbo sa mga sinehan ang naturang pelikula dahil ibibigay na ito sa walong pelikulang kalahok sa MMFF.
Pero sa mga nagpa-advance screening kagaya ng The Haunted Mansion ng Regal Films, sa hatinggabi na lang nabigay ang schedule at kailangan tapusin muna ang screening ng Star Wars.
Bagay na bagay naman ito sa hatinggabi para feel na feel ang horror.
BOOM: Hindi na naka-participate si LJ Reyes sa promo ng The Haunted Mansion dahil nakatakda na itong umalis patungong Amerika para doon mag-Pasko.
Matagal na palang naipangako ni LJ sa mommy niya na dalawin ito kasama si Aki, at ngayong Pasko lang siya may panahong makaalis.
Ang tanong ng karamihan kay LJ ay kung susunod ba si Paolo Contis. “Welcome naman siya kung gusto niyang sumunod,” napangiting sagot ng Kapuso actress.
Wala naman siyang inaamin tungkol sa relasyon nilang dalawa, pero ang sabi lang ni LJ ay masaya siya kay Paolo at ganundin naman ang sagot ng aktor. Wala pa nga lang silang inaamin kung sila na nga ba talaga.
- Latest