Alma pasok sa latest survey, umingay ang pangalan sa ‘kagagahan’ sa interview ni Karen?!
Iba pang taga-showbiz na kandidato sa Senado lahat umiraba
MANILA, Philippines – Mas umingay yata ang pangalan ni Alma Moreno nang maging katawa-tawa ang interview niya kay Karen Davila.
Kahapon ay may lumabas na survey ang Pulse Asia para sa senatorial candidates for 2016 at pumasok sa Top 20 ang actress na inalipusta, nilait, pinagbintangang bobo at ginawang katatawanan ang mga sagot sa interview ni Karen sa ANC kamakailan.
Pasok sa last day ang survey ng awkward interview ni Ms. Davila kay Alma sa airing ng interview ng dating tanga queen na mabilis kumalat sa internet.
Over ang naging reaction ng netizens as in ginawang pulutan sa social media ang nasabing interview ni Ms. Davila kay Alma.
Ginawa ang survey sa second week of November at 1,200 lang naman ang respondent.
Nanguna naman si Sen. Tito Sotto sa naturang survey na obvious na dahil sa lakas ng AlDub tandem.
Pasok din si Cong. Manny Pacquiao, Edu Manzano, Mark Lapid at Vice Mayor Isko Moreno sa Top 20 ng survey.
Ayon sa online reports, pasok din sa listahan sina Sen. Ralph Recto, Sec. Francis Pangilinan at Senator Dick Gordon.
At ang common denominator nilang lahat, may konek sila sa showbiz na hindi na kailangang e-elaborate.
CR sa mall malaking negosyo na rin
Sana may makaisip din na magpasa ng batas na nagbabawal sa mga mall na maningil ng sampung peso sa kanilang mga comfort room. Hahaha.
Imagine bukod sa parking na binabayaran mo ng P50 sa unang apat na oras, pagdating sa CR may I pay ka rin. Samantalang kung tutuusin naman, kailangan ‘yun sa kanilang negosyo.
So pagpasok mo ng mall, isipin mo na agad na halos 100 ang kaltas sa budget mo sa parking at CR pa lang lalo na kung magtatagal ka sa mall.
At least sa sinehan may libreng CR pero ‘yung nasa mall ka lang at namamasyal, ayon magagastusan ka agad pag naihi ka.
Anubeyy… kailangan talaga may bayad ang CR. Actually hindi naman lahat ng mall may bayad ang CR pero majority ha.
Anyway, naalala ko lang dahil sa Christmas rush.
Aktres na walang pahinga makunat sa staff
Hindi raw pala marunong mag-share ng blessings ang isang actress na literal na walang pahinga sa kasalukuyan.
Ang tsismis, hindi raw ito nagsi-share sa staff niya kahit panahon ng kapaskuhan. Nang hiritan daw ito ng isang katrabaho niya, ang say daw ng actress pass muna siya at nagtitipid ito.
“Eh ang press release niya wala siyang pahinga sa rami ng raket pero ang damut-damot niya,” litanyang pabiro ng isang staff nito.
- Latest