Richard todo-gym, nag-aral pa ng sword fight para sa Panday
Ginawa ang story conference ng TV series na Ang Panday sa boardroom ng Viva last Monday afternoon na pinamamahalaan ng TV5 resident director na si Direk Mac Alejandre.
Si Richard Gutierrez ang gaganap sa lead role at tatlong magkakaibang characters ang kanyang gagampanan bilang si Flavio, Miguel at modernong si Juro. Makakasama ni Richard sa napakalaking fantaserye sina Christopher de Leon who will play the role ng iconic character na Lizardo, Jasmine Curtis, Alonzo Muhlach, Bangs Garcia, Sam Pinto, Ara Mina, John Regala, Tony Mabesa, Epi Quizon, Regine Tolentino, Carlos Agassi, Jack Reid, Rocky, and Elvis Gutierrez.
Magsisimula ang taping ng serye next week at mapapanood simula ng buwan ng Enero.
Bilang paghahanda sa kanyang role, panay ang paggi-gym ng ama ni Zion at nag-aral din siya ng sword fight.
Ayon kay Richard, pinanood din umano niya ang lahat ng version ng Ang Panday na tumatak sa yumaong action king na si Fernando Poe, Jr. pero hindi para gayahin si FPJ kundi para magkaroon siya ng idea sa role na kanyang gagampanan.
“Definitely, maiiba ang atake ko sa role ng Panday. Hindi ko puwedeng gayahin si Tito Ron (FPJ). Mag-isa lang siya. I will give the role a new touch and treatment para maiba,” pahayag ni Richard na sobrang excited sa pagsisimula ng bago niyang project sa telebisyon.
“I’ve waited this long and I’m glad na isang matinding project ang ipinagkatiwala sa akin ng Viva at TV5,” pahayag pa ng twin brother ni Raymond Gutierrez.
Hindi na bago kay Richard ang paggawa at pagganap sa mga fantaserye dahil nagawa na niya ito sa Captain Barbell, Mulawin, Sugo, Kamandag, Codename Asero, at Zorro noong nasa bakuran pa siya ng GMA na naging home studio niya sa loob ng mahigit isang dekada.
Si Richard ay co-managed ngayon ng kanyang inang si Annabelle Rama at ng Viva Artists Agency. Ang VAA na rin ang namamahala sa career ng live-in partner ni Richard na si Sarah Lahbati na very visible ngayon sa Kapamilya Network at mapapasama sa isang bagong TV series.
Looking forward pareho sina Richard at Sarah to a busier 2016.
Sa story conference ng Ang Panday ay sandali naming nakausap ang mommy cum manager ni Richard na si Annabelle Rama at sinabi nito sa amin na malapit na nilang simulan ang ika-apat na season ng kanilang family reality show na It Takes Gutz to be A Gutierrez on E! Channel at kasama pa rin doon si Richard kahit busy na ito sa taping ng Ang Panday for TV5.
Alden at Maine mahihirapang paghiwalayin
Masyadong identified sa isa’t isa sina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza kaya mahihirapan ang kanilang respective management na ipareha ang dalawa sa iba.
Sa ngayon, focused muna ang dalawa sa kanilang loveteam at kung paano nila ito lalong mapapangalagaan.
BF at anak ni Denise mas proud sa kanyang panalo
Tuwang-tuwa ang four-year old son ni Denise Laurel sa kanyang Italian-American ex-boyfriend sa kanyang pagkakapanalo as grand winner sa second season ng singing and impersonation contest ng ABS-CBN last Sunday evening.
Hindi kasi nanalo kahit kalian si Denise sa weekly competition kaya ang kanyang pagkakapanalo ay malaking sorpresa sa lahat dahil ibinuhos niya ang kanyang galing sa final night at hindi naman siya nagkamali dahil siya ang pinaboran ng taumbayan sa pamamagitan ng text votes.
Maging ang mga hurado na sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, at Jed Madela ay tuwang-tuwa sa husay na ipinamalas ni Denise on their final night.
Ang isa pang masayang-masaya sa panalo ni Denise ay ang kanyang long-time fiancé, ang cager na si Sol Mercado.
- Latest