Alab Poi Dancers, grand champion sa Todo Bigay
MANILA, Philippines - Wagi ang Alab Poi Dancers sa ginanap na grand finals ng Todo Bigay kung saan nagpatalbugan at nagpasikatan ang mga beki noong Sabado (Dec. 12) sa It’s Showtime.
Nag-uwi sila ng P200,000 at pinabilib ang mga manonood at mga hurado sa kanilang poi dance na dinagdagan pa ng pagbuga ng apoy at paggamit ng laser lights.
Hindi rin naman nagpahuli si Prince Erich na itinanghal na 2nd placer at nagkamit ng 100,000 para sa kanyang madamdaming interpretative dance.
Nasungkit naman ng EMU Cheerdancers ang 3rd place at nakakuha ng P50,000 bilang premyo sa kanilang makapigil-hininga at buwis-buhay na performance.
Huwag palampasin ang saya at good vibes na dala ng It’s Showtime, tuwing Lunes hanggang Sabado sa ABS-CBN.
- Latest