Matteo nilapastangan ang signature song ni Ogie Alcasid
SEEN: Si Denise Laurel ang grand winner sa Season 2 ng Your Face Sounds Familiar sa finale night na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila noong Linggo. Nakakuha si Denise ng pinakamataas na boto dahil sa impersonation niya kay Beyoncé.
SEEN: Kulang sa public information dissemination ang executive committee ng 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF). Hindi pa nila ipinapaalam sa publiko ang araw at lugar ng Parade of Stars at Awards Night ng MMFF.
SCENE: Inspired ng ‘favorite shades’ ni Chavit Singson ang eye shades glasses na ginamit ni Cesar Montano sa isang eksena ng pelikulang Nilalang na isa sa walong pelikulang kasali sa MMFF 2015. Puwedeng gumanap na Chavit Singson si Cesar kung sakaling isapelikula ang kuwento ng buhay ng kontrobersyal na pulitiko at negosyante.
SEEN: Nag-trending kahapon ang Manila North Cemetery dahil sa paggunita sa 11th death anniversary ni Fernando Poe, Jr.
SCENE: Ang pagpapanggap ni Gladys Guevarra na wala siyang alam tungkol sa isyu sa pagitan nina Maine Mendoza at Julie Anne San Jose dahil aktibo siya sa social media at nagkomento siya na “Napaka-humble ni Maine.”
SEEN: “Spread the love at good vibes lang tayo” ang reaksyon ni Julie Anne San Jose tungkol sa pagtatagpo nila ni Maine Mendoza sa Sunday PinaSaya noong Linggo.
SCENE: Ang video ni Matteo Guidicelli habang kinakanta at nilalapastangan ng kanyang boses na sintunado ang signature song ni Ogie Alcasid na Sa Kanya.
- Latest