The 700 Club Asia, gabi-gabing mapapanood sa GMA -7
MANILA, Philippines – Simula December 14, ang programang naghahatid ng magandang balita at biyaya na The 700 Club Asia ay mapapanood na sa GMA Network gabi-gabi tuwing 12:00-12:30 a.m.
Kasama sina Peter Kairuz, Kata Inocencio, Felichi Pangilinan-Buizon, Mari Kaimo, Camilla Kim-Galvez, Alex Tinsay, at Miriam Quiambao-Roberto ay tiyak na mararamdaman ng mga manonood ang diwa ng Kapaskuhan dahil sa mga kwentong kapupulutan ng magagandang aral at hitik sa payong hatid ng nasabing programa.
Masisilayan natin ang makukulay na kwento ng pag-asa, pagbabago at tagumpay laban sa mga hirap at unos na dala ng buhay. Layunin ng The 700 Club Asia na makapagbigay ligaya at pagpapala sa bawat manonood.
Samantala, mapapanood din ng mga Kapuso natin abroad ang The 700 Club Asia sa pamamagitan GMA Pinoy TV.
Bianca at Miguel, nakisaya sa Araw ng Pagbabasa
Taun-taon ay sini-celebrate ng GMA Network ang passion for reading and the love for learning.
At bilang pagsuporta rito, nakisaya sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix para sa selebrasyon ng Araw ng Pagbabasa last November sa Commonwealth Elementary School sa Quezon City.
Ang naturang loveteam din kasi ang nagpasimula ng adbokasiyang Pass-A-Book ni Biguel, kunsaan nangongolekta sila ng mga libro at saka isini-share sa mga batang nangangailangan.
Ngayong taon, sinamahan nila ang mga estudyante ng Commonwealth Elementary School para i-share ang kanilang advocacy at magbahagi ng nakakatuwang storytelling.
“Being part of this advocacy program is an honor for us, and it feels good to reach out to the youth and get to know them personally,” sabi ni Bianca.
Masaya naman si Miguel dahil nakakatulong na siya, at the same time ay natututo rin siya, “I am proud to say that I can advocate something that I truly believe in, and I am thankful for being given the opportunity to do this with Bianca.” pagbabahagi pa ni Miguel.
- Latest