Puro sana ang sagot Matteo hindi sigurado kung si Sarah na ang last girlfriend!
PIK: Buong taon ng 2015 ay ang pagbenta ng GMA 7 ang isa sa pinag-uusapan pero hindi naman natutuluy-tuloy ito.
Itong huling kuwentong bentahan kina Manny Pacquiao at dating Ilocos Gov. Chavit Singson ay pinabulaanan din ng Kapuso network. Na-reject daw ito.
Sabi naman ni GMA Chairman at CEO Atty. Felipe Gozon, maganda ang kita ng GMA 7 at inaasahan daw nilang bago matapos ang 2015 ay mahigit 100 percent ang kikitain nito.
Sabi ni Atty. Gozon nung nakaraang pa-Christmas party sa movie press; “We are also expecting better revenues from political ads versus 2010, considering that rates are higher this year and considering also our current lead in NUTAM ratings.
“We have exceeded all our targets as of December 9, 2015.”
PAK: Kahapon ginanap ang premiere night ng Nilalang nina Cesar Montano at Maria Ozawa. Ito ang unang nagpa-premiere sa lahat na mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Ginanap ito sa Cinema 7 ng SM Megamall na dinagsa ng mga kalalakihan.
Hindi pa rin talaga nawawala ang lakas ni Maria sa mga kalalakihan na kahit saan ito magpunta para mag-promote ay pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan.
Nang mag-tape ito ng promo niya sa CelebriTV nung nakaraang linggo, pinuno ng mga kalalakihan ang studio. Takang-taka si Manay Lolit Solis kung ano ang nagustuhan nila kay Ozawa gayung may kagaspangan naman daw ang mukha nito. Pero kinikilig pa rin ang boys kapag nilalandi sila ni Maria Ozawa. Kaya panlalaking audience talaga itong Nilalang.
BOOM: Wish talaga ni Matteo Guidicelli na makapagpakasal na siya bago mag-30 years old.
“‘Yun ang plano ko dati pa nung bata pa ako,” pakli ng young Kapamilya actor nang makatsikahan namin sa isang Christmas event sa Ragay, Camarines Sur kahapon.
Twenty five years old na siya at matagal na niyang plano na maagang magkaroon ng pamilya.
“I always wanted to have a family at the young age to enjoy my time with my family and my kids kumbaga,” sabi nito.
Sana nga raw si Sarah Geronimo na ito dahil kung siya ang masusunod, ang Pop Princess na raw sana ang last girlfriend niya.
“Sana. Tingnan natin. Siya na sana ang last ko,” napapangiti niyang pahayag.
Twenty-seven years old naman si Sarah kaya binibiro namin kung bago ba mag-30 ay gusto na rin niyang pakasalan? Napapangiti na lang si Matteo at sinagot kami ng “Sana.”
- Latest