Aktres na mabuting anak at kapatid ang image, nuknukan ng damot
Fake ang ugali ng aktres na mabuting anak at kapatid ang drama dahil sa tunay na buhay, bitchy siya.
Masama ang ugali at hindi mahingan ng tulong ang tunay na karakter ng aktres na pa-sweet ang image. Nuknukan din siya ng inggitera at alam na alam ito ng mga tao sa kanyang paligid. Competitive rin ang aktres na ayaw na ayaw na nasasapawan siya ng ibang mga artista. Para sa kanya, siya ang pinakamagaling kesehodang flop ang mga pelikula at television show niya.
Tinalikuran ng aktres ang isang malapit na kamag-anak na humingi sa kanya ng tulong pero ang press release niya, siya ang breadwinner ng pamilya.
Gloria Romero parang hindi 80, natural na natural pa ang ganda
Ang ganda-ganda ni Gloria Romero sa teaser ng I Choose Flawless campaign ng Flawless. Si Mama Gloria ang newest celebrity endorser ng Flawless at perfect choice siya dahil walang retoke as in natural na natural ang kagandahan niya.
Hindi lamang ang physical appearance ang maganda kay Mama Gloria dahil maganda rin ang kalooban niya kaya nirerespeto siya sa local entertainment industry.
Walang mag-iisip na 80-plus na ang edad ni Mama Gloria sa teaser video ng I Choose Flawless dahil parang na-discover niya ang fountain of youth.
Pananakit kuno kay Maine, eklay lang
Eklay lang ang mga threat na may mananakit kay Maine Mendoza kapag umapir ito sa Sunday PinaSaya.
Guest kahapon si Maine sa Sunday PinaSaya para mag-promote ng My Bebe Love at hindi naman nagkaroon ng mga untoward incident.
Mainit nga ang pagtanggap sa first ever guesting ni Maine sa Sunday PinaSaya.
Hindi dapat sineseryoso o pinapatulan ang mga threat na may masasaktan or whatever dahil kung talagang gagawin ito ng nagpakalat ng banta, hindi na niya ibo-broadcast as in bigla na lang mangyayari.
Saka protektado ang mga guest sa Sunday PinaSaya dahil mahigpit ang security personnel ng GMA 7. Hindi nila papayagan na makapanggulo ang mga kulang sa pansin na hobby na ang manakot ng mga artista.
Mas gustong kumita ang pelikula mga artistang kasali sa MMFF hindi hangad ang award
Ang Reality Entertainmment ang producer ng Honor Thy Father, ang pelikula ni John Lloyd Cruz na official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Si Dondon Monteverde ang producer ng Reality Entertainment at dahil anak siya ni Mother Lily Monteverde, ito ang tutulong sa kanya sa promo at publicity ng pelikula.
May mga hula na malaki ang tsansa na mag-win ng best actor award si John Lloyd dahil magaling ang acting niya sa Honor Thy Father.
Malalaman natin ‘yan sa Gabi ng Parangal ng 2015 Metro Manila Film Festival. Mahigpit ang labanan sa best actor category ng MMFF dahil mga awardee rin ang mga katunggali ni John Lloyd, sina Derek Ramsay, Vic Sotto, at Cesar Montano.
Iba naman ang wish ng mga artista na may pelikula na kasali sa MMFF. Hindi raw nila kailangan ng acting award dahil mas importante na pilahan sa box office ang kanilang mga pelikula. Aanhin nga naman nila ang mga acting trophy kung kulelat at nilalait ng mga tao ang mga filmfest entry na nangitlog sa takilya?
FPJ, 11 years nang nami-miss sa showbiz
Ipagdasal natin si Fernando Poe, Jr. dahil ngayon ang kanyang death anniversary. Labing-isang taon na ang nakalilipas buhat nang mamatay ang aktor na isa sa mga haligi ng pelikulang Pilipino.
Wala nang artista na makahihigit o makakapantay sa achievements ni Kuya Ron bilang aktor at movie producer. Wala nang artista ang makagagawa ng daan-daang pelikula tulad ng Hari ng Pelikulang Pilipino.
- Latest