PANOORIN: 'yung focus ko nasa AlDub – Alden
MANILA, Philippines — Nilinaw ni Alden Richards na single siya ngayon sa kabila ng usap-usapan sa social media na in a relationship siya.
Sinabi ni Alden sa press conference ng 2015 Metro Manila Film Festival entry "My Bebe Love: #KiligPaMore" na tanging si Maine “Yaya Dub” Mendoza lamang ang babae niya sa buhay, ngunit nasa getting to know each other stage pa lamang sila.
"Yung focus ko po is nandito sa AlDub. As of the moment, I'm not entertaining any feelings towards anyone," sabi ni Alden.
"It's a matter of choice po e, and I choose to focus on what's happening now."
Naging hot topic kasi sa Twitter ang reply ng director ng "Sunday PinaSaya" Rich Ilustre na sinabi niyang in a relationship si Alden kay Julie Ann San Jose.
Hindi ito ikinatuwa ng fans ng AlDub habang ang iba ay nagsabing edited ang naturang tweet ng director.
Panoorin ang interview:
- Latest